CHAPTER 22

212 16 1
                                    

[bibigyan ko ng pov si Kuya Topaz dito... para medyo malaman natin kung ano ang nangyari kina Sapphire.]

TOPAZ ALEXANDER TORRES

Nasa bahay na ko at nagpapahinga, kanina ko pa din nasundo sina Ceasar at Pearl, napatingin ako sa wall clock namin 7pm na wala pa rin si Sapphire.

Simula ng magpasukan lagi na late umuuwi ang kapatid kong iyon. Alam kong nagtatampo siya sakin, dahil alam niyang tutol ako sa pagpasok niya sa A.D.U, wala namang problema sakin ang school dun, ayaw ko lang na mapalapit ulit si Sapphire kina Kheanna lalo na kay Yhan, ang lalaking yun, siya ang naging dahilan kung bakit nasagasaan silang dalawa ni Sapphire nung mga bata pa sila.

"Sapphire,!..." gulat na sambit ko ng mapansin ko si Sapphire sa likod ni Kheanna habang umiiyak.

"Ate Kheanna... totoo ba??? Aalis na kayo ni Yhan? Paano na ko?" umiiyak na sabi ng batang si Sapphire.

"Sapphire, I'm sorry... ayaw naman namin ni Yhan pumayag pero..." naiiyak na rin si Kheanna.

Alam kong mas nasasaktan si Sapphire, nag iisang best friend niya si Yhan, sila ang laging magkalaro at magkasangga sa lahat ng kalokohan nila. Alam ko rin ang nararamdaman nila Yhan at Sapphire sa isa't isa kahit mga bata pa sila.

Sa edad nilang 7yrs.old si Sapphire at 9yrs.old si Yhan, alam kong nagmamahalan na sila.

Pero mabuti na rin ito, mayaman sila Yhan ayokong malait kami.

"Kheanna umalis ka na" sabi ko sa babaeng iniibig ko.

Oo, mahal ko din si Kheanna pero, mahirap lang kami. At bago pa makaalis si Kheanna nagtatakbo na si Sapphire, at iyon nakita namin sila ni Yhan na sabay tumawid at hindi nila napansin yung parating na truck.

Akala ko nung una, mawawala na si Sapphire samin pero mabuti at di ganun kalala ang natamo niya, mga sugat at galos lang dahil nakayakap daw kasi sa kanya si Yhan nun sabi nung mga bystanders na nakakita.

Pero ang nakakapagtaka hindi maalala ni Sapphire ang mga nangyari, sabi ng mga doctor na nagtriger daw iyon dahil sa pagkakabagok nito kaya nagkaroon daw ito ng temporary amnesia.

Maaari pa rin naman daw bumalik ang alaala nito kung may mga bagay na makakapag paalala sa kaniya ng nakaraan niya.

Kaya nga lahat ng mga alaala niya na may kinalaman kina Yhan at sa pamilya nito ay tinago ko, pinoprotektahan ko lang si Sapphire kina Kheanna.

Napukaw ang atensyon ko ng tumunog yung cp ko na kakabili ko lang, isang Samsung galaxy note5 ang inilabas ko. Balak ko din regaluhan si Sapphire ng bagong cp sa sunod na sahod ko.

Napakunot yung noo ko ng makita kong unregistered yung tumatawag sakin.

"Hello"

[Ikaw po ba si Topaz Alexander? Yung kuya ni Sapphire?] sabi ng nasa kabilang linya.

"Yes, speaking bakit?" tanong ko.

[Ahm, nasa hospital po si Sapphire bigla po kasing sumakit yung ulo niya, tas nahimatay po siya, txt ko po sa inyo etong hospital na ito]

"Sige, salamat." sabi ko.

Maya-maya nareceive ko na kung saang hospital nandun si Sapphire.

Pinuntahan ko sina Ceasar at Pearl, sa mga kwarto nila saka kami pumunta ng hospital. Tinawagan ko na rin sina Mama at Papa.

~*~*~*~*~*~*

ELEAZAR KHEAN DELA VEGA

Malapit na kami kina Zhendra, ng makatanggap ng tawag si Trisha.

ANGELS DEATH UNIVERSITY (SAPPHIRE & ELEAZAR) #Wattys 2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon