CHAPTER 24

196 10 0
                                    

SAPPHIRE CRYSTAL TORRES

Kalalabas ko lang ng hospital kagabi ng magkamalay ako, at ngayon hindi muna ko pumasok sa school kasi pupunta nga ako sa interview para mamaya.

"Sapphire, ok ka na ba?"  tanong muli ni Kuya Topz.

"Oo nga, kulit" natatawang sabi ko.

"Wag ka na kayang mag apply ng trabaho?" sabi muli ni Kuya sakin.

Napailing na lang ako, alam ko na sobrang stress daw ito kaya ako nahimatay kagabi.

Idagdag pang na shock ako sa nalaman ko kagabi.

"Yhan... ikaw ba talaga si Yhan?"

"Crystal... sorry pero hindi ako si Yhan na tinutukoy mo" sabi ni Jerich

Muli akong napabuntong hininga.

"Ang lalim nun ah? Problema?" di ko namalayan si Kuya Topz na nasa tabi ko pa.

"Akala ko si Jerich na si Yhan, pero hindi pala... Kuya sino ba si Yhan?" tanong ko sa kanya.

Napansin kong nagulat ito at umilap ang mata nito sakin.

Pag ganyan si Kuya he trying to hide something from me.

"Kuya... don't try to lie to me" seryosong sabi ko.

Napabuntong hininga naman si Kuya.

"Kaya ayaw kong pumasok ka sa A.D.U, dahil alam kong sila Kheanna ang namamahala ngayon doon at may posibilidad na makita mo si Yhan, at hindi nga ako nagkamali" sabi pa ni Kuya.

"Kuya..."

"I was trying to protect you, mahal kita dahil kapatid kita, kaya gusto kong lumayo ka sa mga bago mong barkada sa A.D.U" sabi ni Kuya sakin.

Nagtatakang tinignan ko si Kuya. Bakit kailangan ko lumayo kina Trisha?

"Pero bakit ko gagawin yun?"  tanong ko pa.

"Para sa iyo rin ito Sapphire, makinig ka sakin" muling sabi ni Kuya bago ako iniwan.

Napailing na lang ako.

Hindi ko ma gets si Kuya Topz kung bakit kailangan kong lumayo kina Trisha.

Napatingin ako sa relo na nasa kwarto namin ni Pearl, saka ako nag decide na mag ayos na ng sarili ko.

Nakatapos na ko mag ayos ng sarili ko, ng mag ring ang phone ko.

"Hello?"

[Bakit absent ka?] tanong ni Trisha.

"Ah, sorry interview ko ngayon eh"

[Kaya mo na ba?, magpahinga ka na lang kaya?]

"Kaya ko na, bakit ka nga pala napatawag?"

[San mo pala balak sumali? Para mapalista na kita bukas ka na lang mag audition pag pasok mo]

"Sa music sana, gusto ko kasing matuto gumamit ng guitar o kahit piano"  sabi ko.

[Ok, dun din kami sasali nila Zhendra at Steph eh, sige magpagaling ka ah and good luck sa interview] sabi pa ni Trisha.

"Sige salamat" sabi ko.

After ng conversation namin ni Trisha, hinanda ko na yung mga requirements ko pati yung gamit ko saka ako bumaba para makaalis agad ako.

Napansin ko si Kuya Topz na nagbabasa ng dyaryo habang nakaupo sa may sofa.

ANGELS DEATH UNIVERSITY (SAPPHIRE & ELEAZAR) #Wattys 2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon