SAPPHIRE CRYSTAL TORRES
Nandito na kami kina Chrysler, nakapagpaalam na rin ako kay Kuya Topz. At as usual tinanong niya kung sino mga kasama ko.
-_-Tumabi naman sakin si Yohann. Napalingon ako sa kanya.
"Saph, di ba close na naman tayo?" panimula nito.
"Oh bakit?"
"Pwede mo ba ko tulungan mapalapit kay Ray?" nakayukong sabi nito.
Tinignan ko siya ng mataman.
"At bakit ko naman iyon gagawin?" tanong ko sa kanya.
Alam kong kaparehas nila Steph at Trisha, mas gusto namin maging tahimik ang buhay namin.
"Ewan ko" sagot nito.
Huh??? Baliw pala toh eh gustong mapalapit kay Ray tas ewan niya kung bakit??? Eh di wow -_-
Tumayo na ko at iniwan siya dun.
Minsan talaga ang mga lalaki mahirap intindihin hmp -_-
Katulad na lang nitong mga lalaking kasama namin ngayon, isa isa ko silang tinignan. Kailangan ko ng gumawa ng plano kung paano ko mapapaamin tong sina Chrys at Sam.
Para makatulong ako sa kanila, hay... napatingin ako kay Zhendra, at nakita kong ang sama na naman ng tingin niya sakin psh.
"Guys miryenda muna kayo, at simulan na natin yang report natin" sabi ni Chrys, saka binaba ang tray na may mga cupcakes at may juice.
"Buti na lang gutom na ko eh" sabi ni Steph at kumuha ng cupcakes.
Napatingin lang si Sam kay Steph, hay malungkot pa rin siya.
"Ang pangit ng atmosphere" bulong ni Chrys sakin.
Malamang nararamdaman niya yung ilangan nila Steph at Sam.
Ng may maisip ako.
"Chrys, tara" yaya ko sa kaniya at parehas kami tumayo, nakasalubong pa namin si Yohann na papunta na rin sana dun sa sala.
"San punta niyo?" tanong ni Yohann samin.
"Dyan lang sige punta ka na dun" nakangiting sabi ko, habang hinihila si Chrys.
Nasa labas na kami ng bahay nila, at nag pa drive ako sa malapit na grocery...
Balak ko??? Madali lang lalasingin ko sila wahahaha... magkakaalaman na hihihi...
It's that my brilliant idea. ^_^
~*~*~*~*~*~*
ELEAZAR KHEAN DELA VEGA
Pansin ko lang, biglang naging close nila Sam at Chrys yung scholar girl. Ok lang sana eh, kaso naiinis ako kapag may dumidikit sa scholar girl na iyon.
At naiinis ako dahil wala pa rin akong ginagawa para maging close sa kanya.
Teka, bakit yung dalawang mokong na iyon??? Ang bilis nila maging close? Tas etong si Yohann din, psh -_-
"Kung ako sa'yo? dapat ka ng gumawa ng move tignan mo, pati sila Chrys at Sam close na sila ni scholar girl, di naman mahirap pakisamahan yang si Sapphire eh" nakangising sabi ni Jygx sa tabi ko.
Napalingon ako sa kanya.
"Gusto mo na rin ba siyang maging close?" tanong ko sa kanya.
"Hehehe, kung ako lang Ellie, magagawa kong lumapit sa kanya eh, ikaw???" hamon nito.
BINABASA MO ANG
ANGELS DEATH UNIVERSITY (SAPPHIRE & ELEAZAR) #Wattys 2016
Genç KurguAngels Death University... It's a typical stories... About school life,,, Kung paano makikisama ang isang SIMPLE girl... Sa mga ELITE... FAMOUS... POWERFUL... RICH student... Ng A.D.U At kung paano mababago ang kanyang buhay sa pagkakaroon ng mg...