ELEAZAR KHEAN DELA VEGA
"Asan na si Sapphire?" ilang beses ko ng tinanong sa kanila yun, pero di pa rin nila sinasabi kung asan si Saph.
Tinignan ko yung boss nila.
"Hanggang ngayon, si Saph pa rin ang hinahanap mo?" umiiling na sabi nito.
Napakunot naman yung noo ko.
"Ano bang kailangan niyo sakin?" tanong ko pa rin sa kanya.
"Tama, kailangan ko nga kayo pero sorry wala dito si Sapphire" sabi niya pa.
Napakunot yung noo ko sa narinig ko. Niloloko ba nila ko?
"Hindi kami nag jojoke wala talaga dito si Saph, saka bakit naman siya pupunta dito eh may pasok yun?" sabi naman ni Cess.
"Sabi mo nandito siya kaya ako pumunta dito, tapos wala naman pala siya aalis na lang ako kung ganoon" sabi ko at saka ako tumalikod sa kanila.
"Hahayaan kitang makaalis sa ngayon, ng hindi nalalaman ang lahat choice mo yan eh, alam kong naguguluhan ka kina Alex pero kung di ka interesado ok lang din" tila balewalang sabi nito.
Natigilan naman ako sa sinabi niya. Oo, nga pala kailangan ko malaman kung anong kaugnayan sakin ni Sapphire. Napatingin naman ako sa cp ko. Tsk... lobat pa ay naku naman.
"Pwede mong i charge yan habang nagkukuwento si Boss" biglang singit nung Ray.
Napabuntong hininga ako. Andito na rin lang ako bakit nga ba di na lang ako makinig sa sasabihin nila.
"Ok, sana lang gandahan mo ang kwento" seryosong sabi ko.
Saka ko inabot kay Ray yung cp ko para i charge niya samantalang umupo na ko sa may kaharap nung boss nila.
"Simulan natin sa pagpapakilala namin ng pormal sa'yo, Kami ang X knight Warrior Angels"
Napataas ang kilay ko sa narinig ko. Tsk ang bakla pakinggan...
"Ano yan bagong banda?" tanong ko. Saka ako ngumisi.
"Hindi, isang secret underground group mga gangster din kami but in a good way" sabi niya.
Napataas ang kilay ko sa kanya. Gangster tas good??? Impossible yun.
"Madami kaming kalaban sa underground at ang laging tumatapat samin ay ang mga R.E.P.C sila naman ang gumagawa ng mga masasamang gawain sa underground" sabi pa nito.
"Ano namang mga gawain yun?" tanong ko.
"Lahat ng mga illegal na gawain, like drug trafficking mahilig din silang pumatay ng mga inosenteng tao" sabi pa nito.
Napatango tango na lang ako.
"Di ba takaw away ang pagiging gangster?" sabi ko sa kanya.
"Oo, pag napasok mo ang mundo namin magiging palaaway at basagulero ka na, pero may mga iba namang nakikipaglaban lang para sa sarili at mga mahal nila sa buhay para maptotektahan ang mga ito" sabi niya.
"Anong kinalaman ng alex na yun sa mga sinasabi mo sakin?" tanong ko sa kanya.
"Siya ang King ng R.E.P.C meron din siyang Queen kaso mejo di sila ok ngayon at balita ko mabubuo na ulit ang miyembro ng R.E.P.C" sabi pa nito.
"Yung kuya ni Sapphire? Gangster? At hari pa?" nagulat na tanong ko.
Alam kaya ito ni Sapphire?
BINABASA MO ANG
ANGELS DEATH UNIVERSITY (SAPPHIRE & ELEAZAR) #Wattys 2016
Novela JuvenilAngels Death University... It's a typical stories... About school life,,, Kung paano makikisama ang isang SIMPLE girl... Sa mga ELITE... FAMOUS... POWERFUL... RICH student... Ng A.D.U At kung paano mababago ang kanyang buhay sa pagkakaroon ng mg...