CHAPTER 31

188 9 0
                                    

SAPPHIRE CRYSTAL TORRES

Nagpilit na ko lumabas kanina sa ospital tutal naman ok na ko, saka nahimatay lang naman dahil siguro sa sobrang takot.

Ready na ko ulit pumasok sa A.D.U, pagbaba ko napansin kong kumpleto ang pamilya ko at nag aagahan pa lang.

"Crystal, umupo ka na at mag almusal" sabi ni Papa sakin.

Grabe! namiss ko din sila kasabay sa pagkain.

"Oh, bakit umiiyak ka Ate?" takang tanong ni Ceasar na katapat ko sa upuan.

Sinalat ko naman ang pisngi ko, at naramdaman kong may luha nga.

"Masaya lang ako, kasi naranasan ko ulit na kumpleto tayong kakain miss ko na kasi kayo" nakangiting sabi ko.

Hindi ko na rin pinigilan yung luha ko, anong magagawa ko? Naiiyak ako sa tuwa, pwede naman iyon eh. Pinunasan ko na rin yung luha ko.

"Nga po pala Ma, Pa, tanggap na ako sa Bueno Bakeshop" masayang sabi ko sa kanila.

"Di ba Ate di ka pa endo dun sa J?" tanong naman ni Pearl.

"Oo nga, pero hanggang sa friday na lang naman ako dun, saka mabait naman yung boss ko sa bakeshop kasi hihintayin daw niya ma endo ako bago ako magsimula" sabi ko pa.

Napansin ko namang tahimik lang sina Mama at Papa maging si Kuya.

Pag ganyan sila, malamang ayaw nila sa sinasabi ko. Ganyan din sila nung binalita ko sa kanila na mag aaral ako sa A.D.U eh.

"Papa, Mama, Kuya alam kong ayaw niyo na magtrabaho ako sa bueno bakeshop, ganyan din itsura niyo ng sabihin kong mag aaral ako sa A.D.U" sabi ko sa kanila.

"Hindi sa ganoon anak," sabi ni Papa.

Napatingin lang kami sa kanya.

Napabuntong hininga lang siya.

"Pakiramdam ko, kulang pa ang ginagawa ko para sa inyo, pasensiya ka na Ate kung kailangan mo pang magtrabaho" sabi ni Papa sakin.

Napailing na lang ako, saka ako napangiti, si Papa talaga malamang nagpapalambing ito. Hehehe.

"Pa,wala naman po kayong pagkukulang samin eh, masaya akong makatulong sa inyo" nakangiting sabi ko.

Saka ko niyakap si Papa mula sa likod.

Nakarinig kami ng busina sa labas ng bahay namin.

Napakunot noo si Kuya Topaz, samantalang napahiwalay ako sa yakap kay Papa.

"May service na kayo?" tanong ko sa kambal na sabay namang tumayo.

"Wala ah," sabi ni Pearl.

"Alis na kami ah?" paalam pa ni Pearl saka ito humalik samin nila Mama Papa at Kuya.

"Ingat po kayo, Ate, Kuya, Mama, Papa, " sabi naman ni Ceasar at hinalikan din kami sa pisngi.

Saka sumunod sa kakambal niya.

Napangiti na lang ako sa mga kapatid ko. Kaya mahal na mahal ko yang mga yan mga sweet kasi sila. Pati naman si Kuya noh, di lang halata sa kanya hehe.

"Ate Saph!, sa'yo pala yung sundo eh" sabi ni Ceasar na di ko namalayang bumalik pala.

Napatayo naman ako at pumunta sa labas, nakita kong nakatayo pa yung kambal sa harap ng isang van.

"Good morning Saph, sinundo ka na namin para sabay sabay tayong pumasok sa school" nakangiting sabi ni Steph.

Hehehe... mukhang ok yung date nila kagabi ah?

ANGELS DEATH UNIVERSITY (SAPPHIRE & ELEAZAR) #Wattys 2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon