ZHENDRA BRIZA PACA
Bumalik kami sa room namin at nakita ko yung mga dati kong kaibigan, well malamang hindi ko naman talaga sila mga kaibigan, na nagtatawanan.
"Sheena, andun na raw sila what next?" tanong ni Cynthia.
"Kung ganoon, ano pang hinihintay niyo c'mon girls" nakangising sabi ni Sheena.
Pero bago pa man sila makaalis humarang na ako sa dadaanan nila.
"Ikaw ba ang may pakana kung bakit may ganung issue si Saph?" tanong ko kay Sheena.
Hindi ako natatakot sa kanya. Kahit pa alam kong may kuya siyang gangster.
"Oh cmon' Zhendra, pati pagbibintang ginagawa mo na ngayon?" nakangising sabi ni Sheena.
"Hindi siya nagbibintang, sadyang alam lang niya na pwede kang manira ng ibang tao" sabi naman ni Steph.
Nagtawanan naman itong mga kaharap namin.
"Wala akong alam sa sinasabi niyo" nakangising sabi pa ni Sheena.
"Siguruhin niyo lang na wala kayong kinalaman ng ate mong reporter para siraan si Sapphire maging sa public isang pribadong tao si Saph at hindi siya artista para siraan mo" inis na sabi ko.
Napailing na lang sila bago kami nilagpasan.
Nakita naming humahangos sina Yohan samin.
"Izza si Sapphire?" tanong ni Yohan sakin.
"Huh? kasama namin nasa likod lang" sagot ko.
Sabay-sabay kaming lumingon nila Trisha, at Steph.
Napakunot yung noo namin ng wala siya sa likuran namin. Hindi kaya nasa auditorium pa siya?
"Baka nasa auditorium?" sabi ni Trisha.
Kaya binalikan na lang namin siya sa audi, kaso wala naman siya.
"Teka pala asan naman si Ellie?" tanong ko kina Sam.
Nagkatinginan lang yung apat na lalaki.
"Di niyo pa ba nakita si Ellie dito?" tanong ni Jygx.
Napataas lang kilay ko sa kanya.
"Magtatanong ba ako kung nakita namin siya?" mataray na tanong ko.
"Excuse me guys, tawagan ko lang yung dalawa ah? Baka magkasama sila eh" sabi ni Yohan samin.
Nakita ko yung dalawang babaeng nakasagutan namin kanina.
"Hoy kayong dalawa!" sigaw ko sa kanila.
Napalingon naman sakin yung dalawang babae at ng makita nila ako, napansin ko yung takot nilang mga mukha.
Tsk wala pa nga akong ginagawa sa kanila eh.
"Asan si Sapphire?" tanong ko sa kanila.
Nagtinginan lang sila.
"Sorry Zhendra, pero hindi namin kilala yung hinahanap mo" sabi nung isa.
Napataas lang yung kilay ko.
"Pinagtsitsismisan niyo pero hindi niyo kilala?? Eh di wow" nakataas ang kilay na sabi ni Trisha.
Naramdaman ko na lang na may nakahawak na sa braso ko.
"Wag na kayong gumawa ng gulo" sabi ni Chrys.
Nakita ko ding pinapakalma nila Chrys at Sam sina Steph at Trish.
BINABASA MO ANG
ANGELS DEATH UNIVERSITY (SAPPHIRE & ELEAZAR) #Wattys 2016
Teen FictionAngels Death University... It's a typical stories... About school life,,, Kung paano makikisama ang isang SIMPLE girl... Sa mga ELITE... FAMOUS... POWERFUL... RICH student... Ng A.D.U At kung paano mababago ang kanyang buhay sa pagkakaroon ng mg...