SAMUEL BUENO
Andito kami ni Stephannie sa park kung saan madalas din kami noon maglaro.
"Ano bang problema mong baliw ka?" inis na tanong nito, saka hinila yung braso niya na hawak ko.
Ewan ko, kanina ng makita ko silang palabas galing sa bakeshop ni Mama na nagmamadali alam kong may sinabi sa kanya si Mama eh.
At iyon ang dahilan kung bakit ko siya kinuha kay Trisha. Etong dalawang toh biglang nagbago samin ng mag h.s na kami at maging sikat na banda kami.
Alam kong mukha akong baliw sa paningin niya, pero kasi ayaw ko lang magbago yung tingin niya sakin, kaya nga ako natatakot umamin sa kanya eh.
"Anong sinabi sa iyo ni Mama?" tanong ko.
Oo nakatayo lang kami dito sa gitna ng park para lang kaming nag shoo-shooting.
"Bakit ano ba ang dapat niyang sabihin sakin?" balik tanong nito.
Napakunot yung noo ko, mukhang wala pa siyang alam sa nararamdaman ko para sa kanya.
"Wala naman, pwede bang umupo muna tayo? nahihilo na ko eh" sabi ko.
"Baliw ka kasi eh, tara dun" sabi naman nito, saka kami umupo sa may bench dito.
"Bakit kayo lumayo samin?" tanong ko sa kanya ng makaupo na kami.
"Minsan, ayaw talaga kita kausap eh, lalo na pag lasing ka" sabi nito.
"Grabe ka, ayaw mo lang sagutin ung tanong ko eh umiiwas ka pa rin?" naiiling na sabi ko.
"Pag lasing ka makulit ka talaga, tss... uuwi na ko wala kang kwenta kausap" inis na sabi nito at tumayo na.
Pero, pinigilan ko siya.
"Steph, pls. Wag naman kayong ganyan samin oh, maawa naman kayo ni Trisha" malungkot na sabi ko sa kanya.
Nararamdaman ko yung mga luha ko, parang gusto na pumatak. Tsk ang bakla ko pero ano magagawa ko? Nasasaktan ako sa pambabalewala niya.
"Sam, ang mabuti pa umuwi na tayo, maaga pa ang pasok natin bukas eh" sabi niya.
Parang nawalan na ko ng lakas pa. Isinakay na niya ko sa kotse ko at siya na ang nag drive.
Sana lang, maging maayos pa ang lahat samin.
"Steph, anu ba ang dapat kong gawin para lang maging close ulit tayo? Ok na sakin yung ganun eh, kahit hanggang kaibigan lang tingin mo sakin tapos... tapos ngayon baka kahit kaibigan hindi na"
"Madaldal ka talaga, bukas makakalimutan mo rin yan" sabi nito.
Hindi ko namalayang nasa tapat na pala kami ng bahay ko.
Bumaba agad siya, bumaba na rin ako ng kotse. Paalis na sana siya ng humarap ulit siya sa direksyon ko.
"Eto ng susi mo, geh bye" sabi nito at hinagis sakin yung susi ko.
"Teka lang" pigil ko sa kanya.
Bago pa siya makapagsalita, hinila ko na siya palapit sakin at walang sabi sabing hinalikan ko siya sa kanyang mga labi...
~*~*~*~*~*~*
JYGX BRIEL ALCANTARA
Nasa bar pa rin kami ni Zhendra kasama ng mga kaibigan niya.
Hindi ko akalaing mga ganito ang sinasamahan niya,tsk.
"Hoy! Isa pa ngang alak dyan ang tagal mo naman" sigaw ni Zhendra dun sa waiter na dumaan.
BINABASA MO ANG
ANGELS DEATH UNIVERSITY (SAPPHIRE & ELEAZAR) #Wattys 2016
Teen FictionAngels Death University... It's a typical stories... About school life,,, Kung paano makikisama ang isang SIMPLE girl... Sa mga ELITE... FAMOUS... POWERFUL... RICH student... Ng A.D.U At kung paano mababago ang kanyang buhay sa pagkakaroon ng mg...