ELEAZAR KHEAN DELA VEGA
Nagising akong pawisan, napalingon ako at andito pa rin kami sa hide out nila.
"Oh, napano ka? Bakit pinapawisan ka?" tanong ni Chrys sakin.
Tinignan ko sila isa isa.
"Si Sapphire,--- si Crys--- si Sa--pphire" sabi ko sa kanila na gulat na gulat.
Nagkatingin lang sila, marahil hindi rin nila ko maintindihan.
Inabutan ako ni Sam ng bottled mineral water. Agad ko naman yung kinuha saka binuksan at inisang lagukan ko lang.
Naramdaman ko bigla yung pagkauhaw, hindi pa rin ako makapaniwala kailangan ko ng tamang taong makakausap.
Bigla akong tumayo, alam ko na siya lang ang pwedeng magsabi sakin ng lahat.
"San ang punta mo?" tanong ni Yohan sakin.
Nilingon ko siya, Alam kong may alam din siya pero saka na kami magtutuos na dalawa ang kailangan ko ay makausap siya.
Napatango lang si Yohan sakin.
"Uy Ellie, san ka ba pupunta?" tanong din ni Sam.
"Hayaan muna natin siya guys" sabi ni Yohan.
Samantalang ako, dire diretso na sa paglabas ng hide out. Nadaanan ko pa sina Jerich at Lance na seryosong nag uusap. Tinignan lang nila ko, saka tumango sakin si Jerich.
Alam kong meron ding alam si Jerich samin ni Sapphire, ramdam ko yun.
~*~*~*~*~*~*
JHON CHRYSLER TORMIS
Naiwan kaming naguguluhan sa mag pinsan. Seriously, ano ba ang nangyari kay Ellie? At bakit gulat na gulat siya kanina habang binabanggit yung pangalan ni Sapphire?
Nakita naming bumalik si Yohan sa target shooting, kaya sinundan namin siya.
"Ano bang nangyayari sa inyo ni Ellie?" tanong ni Sam.
Nilingon naman kami ni Yohan.
"Alam niyo bang may amnesia si Ellie?" tanong din samin ni Yohan.
Nagkatinginan kaming tatlo, anong amnesia ang pinagsasabi ni Yohan?
"Pinagloloko mo ata kami eh" sabi ni Jygx.
Umiling lang ito samin. Saka muling bumaril sa target niya.
Napatingin kami sa tinamaan niya. Wow, ang galing bulls eye agad???
"Alam niyo bang nung bata pa lang si Ate Kheanna, mahirap pa sila? Tumira sila isang maliit na barangay kung saan dun din nakatira sina Sapphire" sabi ni Yohan samin.
Na curious naman kami sa kinukwento niya.
"Tama ka dyan, Jasred at alam niyo bang ako ang naging guardian ng mga batang sina Crystal at Khean" biglang singit naman ni Jerich.
Napalingon kami sa kanya.
Nasa tabi na pala namin sila. Naguguluhan ako, bakit kailangan may guardian pa sila?
"Ang totoo niyan, ang parents ko ang inutusan ng lolo niyo para hanapin at bantayan ang pamilya nila Khean" sabi muli nito.
Napatingin kami kay Yohan, mukha kasing wala din siyang alam.
"Kung ganoon, ang mga magulang mo ang secret assassin ni Lolo? Sila yung mga Fallen Angels Assassin?" gulat na sabi muli ni Yohan.
Tumango lang ito samin.
BINABASA MO ANG
ANGELS DEATH UNIVERSITY (SAPPHIRE & ELEAZAR) #Wattys 2016
Teen FictionAngels Death University... It's a typical stories... About school life,,, Kung paano makikisama ang isang SIMPLE girl... Sa mga ELITE... FAMOUS... POWERFUL... RICH student... Ng A.D.U At kung paano mababago ang kanyang buhay sa pagkakaroon ng mg...