CHAPTER 37

207 8 2
                                    

SAPPHIRE CRYSTAL TORRES

Nilibot ko yung paningin ko ng mapansin kong nasa isang kwarto na ako.

Mukha namang wala ako sa hospital, wala kasing amoy gamot na nakakasuka.

"Gising ka na pala, ok ka na ba?" tanong niya.

Nakita ko si Ellie na pumasok sa kwarto.

"Nasan ako? Saka anong oras na?" tanong ko.

"Nandito ka sa condo ko, hindi ko kasi alam kung saan ka dadalhin ng mawalan ka ng malay, c'mon mag ready ka na malapit na ang party" sabi nito saka ako inalalayang tumayo.

Narinig kong nag ring yung cellphone ko kaya naman hinanap ko iyon.

"Here," sabi nito saka inabot sakin yung phone ko.

Nakita kong si Kuya Topz pala yung tumatawag. Napatingin naman ako kay Ellie, napansin ko siyang ngumiti lang at tumango.

"Hello, Kuya" sabi ko ng sagutin ko yung tawag nito.

[Saph, ok ka lang ba? Wag ka na munang umuwi sa bahay ngayon, susunduin na lang kita mamaya itxt mo sakin kung asan ka may gagawin lang ako] sabi ni Kuya.

Napakunot yung noo ko sa narinig ko.

"Ok lang naman ako, pero bakit naman hindi ako pwedeng umuwi sa bahay???"

[Basta, wag ka ng maraming tanong, teka yung mga kaibigan mo sa A.D.U? kasama mo?] tanong ulit nito.

Naguguluhan ako kay Kuya, nung una ayaw niya makasama ko na yun tas ngayon tinatanong kung kasama ko.

"Hi--hindi po" sabi ko saka ako napatingin kay Ellie.

[Good! Lumayo ka na sa kanila, naintindihan mo? Lalo na sa Yhan na yun] sabi ni Kuya saka pinatay yung tawag.

Napabuntong hininga ako sa sinabi ni kuya. Lalayo? Eh kasama ko nga si Yhan, hay naku kanina naging malinaw na sakin ang lahat.

"Yhan," mahinang tawag ko sa kanya.

"Natatandaan mo na ako?" nakangiting sabi nito.

Tumango lang ako.

"I'm sorry, dahil sakin napahamak ka, dahil sakin nag ka amnesia ka" hindi ko na naman napigilan ang sarili kong hindi umiyak.

Niyakap naman ako ni Yhan.

"Sabi ko naman sa'yo di ba? Hindi ko hahayaang may masamang mangyari sa'yo?" sabi nito habang yakap niya ako.

Naramdaman ko ding hinahagod nito ang likod ko.

"Naintindihan ko na sina Kuya Topz at Ate Khey, kung bakit pinapaglayo nila tayo hindi kasi tayo nararapat mag sama" sabi ko saka marahang lumayo sa kanya.

Napakunot yung noo nito sakin.

"I'm sorry Yhan, pero kailangan ko ng lumayo sa'yo ngayong naaalala na natin ang isa't isa masaya ako para satin lalo na para sa'yo pero hindi na kita pwede maging best friend dahil, alam ko na ang katayuan mo sa buhay, mayaman kayo ni Ate Khey samantalang kami nila Kuya Topz, isang mahirap lang" malungkot na sabi ko.

Saka tumayo at lumabas na ng kwarto niya. Dire diretso ako sa labas hanggang sa makalabas na rin ako ng condo niya.

Napansin kong tumatawag si Trish kaya sinagot ko ito.

[Saph, asan ka?] tanong nito.

Nagpalinga linga ako, hindi ko rin kasi alam kung asan ako. Napansin kong may butler na nasa gilid at may dalang bagahe, agad ko iyong nilapitan.

ANGELS DEATH UNIVERSITY (SAPPHIRE & ELEAZAR) #Wattys 2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon