CHAPTER 40

196 10 0
                                    

SAPPHIRE CRYSTAL TORRES

Kagigising ko lang ng mapansin kong hindi ito ang kwarto ko.

Kung ganoon, yung mga nalaman ko kaninang madaling araw, totoo lahat?

Bumangon na ako at saka nag ayos ng sarili ko. Pagbaba ko, napansin kong seryoso silang nag uusap.

"Kailan tayo magsisimula magpractice?" excited na tanong ni Steph.

Napansin naman ako ni Izza.

"Oh, buti gising ka na Saph, magsasanay na raw tayo eh" sabi naman nito.

Ngumiti lang ako sa kanila.

Parang di ko matanggap ang lahat. Napabuntong hininga ako.

Nakita kong tumayo si Jerich at lumabas ito ng resthouse, agad ko naman siyang sinundan.

"Jerich,!" tawag ko.

Napalingon naman ito sakin.

"Ang gulo ng mga sinabi mo, wala akong naintindihan" sabi ko sa kanya.

"Simple lang naman, isa kang prinsesa kabilang ka sa royal family, at kami? Mga gangster kami na agent, don't get me wrong ang pagiging gangster namin hindi ganoon kasama, gusto ka naming protektahan laban sa lolo mo" sabi pa nito.

Napabuntong hininga ako. Saka ako lumakad palayo sa kanya.

Tinanaw ko ang dagat, masyadong malawak at maganda. Tahimik din ang paligid. Nakita kong kulay puti rin ang buhangin na tinatapakan ko.

Umupo ako sa buhangin, namiss ko rin ang ganito katahimik na lugar, mapayapang paligid. May nakita akong shell kaya naisipan kong pulutin, remembrance.

"San ka pupunta?" agad akong napalingon kay Ellie.

"Mamumulot ako ng shell, ang gaganda nila eh" sabi ko.

Saka naghanap ng mga shell, akala ko iiwan na niya ko kaya lang napansin ko namumulot din siya ng shell.

"Nagustuhan mo rin yung mga shell?" nakangising sabi ko sa kanya.

Napakunot naman yung noo nito ng mapansin yung pagkakangiti ko.

"May iniisip ka bang hindi maganda Crys? Spill it!" sabi nito habang ang sama na ng tingin sakin.

Dahan dahan na rin itong lumalapit sakin, samantalang ako naman, dahan dahang umaatras.

"Hahaha... sorry di ko mapigilan--- hahaha bakla ka talaga Yhan hahaha" sabi ko saka tumakbo palayo sa kanya.

"Sinasabi ko na nga ba, yan talaga tumatakbo sa utak mo! Humanda ka sakin pag naabutan kitang tomboy ka tsk!" inis na sigaw naman nito saka ako hinabol.

Alam ko namang sa takbuhan mabilis ako, pero ngayon? Ewan ko lang hehehe.

~*~*~*~*~*~*

YOHANN JASRED DELA VEGA

Ngayong alam ko na kung sino si Sapphire at ano ang misyon ng mga X warrior, mas gusto kong protektehan si Sapphire, dahil siya ang nagpabalik ng mga ngiti ko. Siya ang nagbigay kulay at pag asa sa mundo ko, at siya ang naging best friend ko.

Well, hindi ko na aagawin si Saph, kay Ellie. ^_^ Dahil alam ko na kung sino talaga ang gusto ko.

Nakita kong hinahabol ni Ellie si Saph, at mukhang masaya sila.

"Mukhang nag iisa ka dito?" pukaw sakin.

Paglingon ko si Ray pala, ang babaeng hindi ko inakalang makakapagpa bilis ng puso ko sa mga oras na ito.

ANGELS DEATH UNIVERSITY (SAPPHIRE & ELEAZAR) #Wattys 2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon