JYGX BRIEL ALCANTARA
Andito na kami sa room ni Sapphire, kakalipat niya pa lang at tulog pa rin siya until now.
Nagtataka talaga ko kung bakit andito sina kuya at kilala pa nila ang kuya ni Sapphire.
"Reunion ba ito ng gang natin King Alex?" naalala ko yung sinabi ni Kuya.
Alam kong nung h.s at college siya may gang siya pero di ko alam na active pa iyon.
"Nag aalala ka na rin kay Saph?" tanong ni Zhendra na hindi ko namalayang nasa tabi ko pala.
Ngumiti lang ako sa kanya.
Lately, mas gusto kong nasa tabi ko lang si Zhendra, gusto ko kasi siyang laging kasama, ewan ko ba.
Unti-unti nakikilala ko na ang totoong siya.
"Yhan... wag mo ko iwan!" napalingon kami kay Sapphire.
Bigla kasi siyang sumigaw eh, agad namang lumapit ang mama nito at hinawakan ang kamay niya.
"Crytal andito na si Yhan, hindi ka naman niya iniwan eh" saka ito tumingin kay Ellie na ng mga oras na iyon, ay nakaupo sa tabi ni Sam at tulog.
Napailing na lang ako, sinenyasan ko si Sam na tapikin si Ellie, nakakahiya sa parents ni Saph.
Weird, kanina ng makita din si Ellie nung Alex nagulat din yun at tinawag siyang Yhan, tas eto pati Mama ni Saph. Ano bang nangyayari sa kanila? Eh hindi naman siya si Yhan eh. -_-
Napansin kong ayaw pa rin gumising ni Ellie kaya tumayo na ko, at lumapit sa kanila saka ko siya binatukan. Hahaha, ayun nagising yung loko.
"Takte, sinong bumatok sakin?" inis na tanong ni Ellie, tinignan naman nila kaming dalawa ni Ellie.
"Gago ka, Sam ah" si Ellie pa din na nakatayo na sa tabi ko.
"Hala ka jan, hindi ako yun, bintangero ka masyado, si Jygx yun hmp" sabi naman ni Sam.
Nakakatawa talaga tong si Sam parang bakla hahaha.
"Mahiya ka sa family ni Saph," mahinang sabi ko saka kami tumingin kina Saph, na ng mga oras na iyon nanonood na samin.
"Sapphire," nagulat na sabi ni Ellie, gising na kasi ito at nanonood samin.
"Yhan..." sabi nito, saka bigla na lang ito umiyak.
"Crys..." napalingon kami sa boss niya ng tawagin siya.
"Ikaw ba talaga si Yhan?" umiiyak pa ring sabi ni Sapphire sa kanya.
Pakiramdam ko ng mga oras na ito, nanonood ako ng drama at ang bida ay sina Sapphire at yung boss niya -_- kaso di bagay napatingin ako kay Ellie, mas bagay pa si Ellie at Sapphire eh ^_^ tinapik ko sa balikat si Ellie, tulala na kasi ito eh, nilingon naman niya ako.
"Crys... ano kasi.. " sabi nung boss niya.
Lumabas na ng di nagpapaalam si Ellie, napatingin lang ako kay Sapphire, umiiyak pa rin ito.
Ano ba kasing nangyayari?
"Labas po muna kami" paalam ko saka ko hinila si Sam at sinenyasan sina Chrys at Jasred para sundan si Ellie.
Nasa labas na kami ng maabutan namin si Ellie, na hawak ng kuya ni Saph.
"Bakit ka pa bumalik Yhan? Anong kailangan mo kay Crystal?" galit na tanong nito kay Ellie.
At walang sabi sabing sinuntok nito si Ellie.
Napatakbo naman kami sa tabi ni Ellie, at dinaluhan siya.
BINABASA MO ANG
ANGELS DEATH UNIVERSITY (SAPPHIRE & ELEAZAR) #Wattys 2016
Teen FictionAngels Death University... It's a typical stories... About school life,,, Kung paano makikisama ang isang SIMPLE girl... Sa mga ELITE... FAMOUS... POWERFUL... RICH student... Ng A.D.U At kung paano mababago ang kanyang buhay sa pagkakaroon ng mg...