SAPPHIRE CRYSTAL TORRES
Nilibot ko ang paningin ko sa isla ni Jerich, di ko akalaing may ganito palang isla tong lalaking toh'
Napatingin ako sa mga kasama ko. Busy ang mga lalaki na mag buhat ng mga gamit samantalang kami namang mga babae, eto at busy sa pagmamasid sa paligid.
"Ang ganda dito, wow ang ganda ng dagat parang masaya maligo sa dagat" masayang sabi ni Steph.
"Mamaya maligo tayo dito ah?" sabi ni Trish.
"Pero seriously, anong nangyayari?" tanong ko.
"Girls, hindi tayo nagpunta dito para mag enjoy" nakangising sabi ni Ray samin.
"Tama si Ray, nandito tayo para magtago sa mga Shadow Angels Chronicles" seryoso namang sabi ni Cess.
"Ang weird niyo talaga" sabi naman ni Izza.
Saka ito pumasok na sa loob. Sinundan ko na din si Izza.
Hindi ko namalayang nasa loob na rin pala ang iba.
"Tara samahan ko na kayo sa mga room niyo" sabi ni Jerich.
At isa isa na niya kaming hinatid sa mga kwarto namin.
Pansin ko lang magkakatapat kami ng mga kwarto. Napili ko kasi sa pangatlo at katapat ng kwarto ko si Yhan.
Pagkatapos ko ayusin ang mga gamit ko, humiga lang ako habang nakatitig sa kisame.
Ano nga bang nangyayari samin? Sino ba yung mga humahabol samin? Nadamay lang ata ako sa kanila, pero bakit magkakasama sila?
"What are you thinking?" di ko namalayang nasa kwarto ko na pala si Yhan.
Napailing ako, simula ng makaalala kaming dalawa, parang mas lalong naging bantay sarado ako sa kanya.
"Ano kaya kung biglang nasa taas na ng kisame si Sadako?" natatawang sabi ko.
Napakunot yung noo niya.
"Hindi naman yung sa kisame gumagapang eh, sa tv kaya yun lumalabas, by the way halika na andon na ang lahat sa babâ" sabi naman nito.
Napailing na lang ako.
Pagdating namin sa babá, nagmimiryenda na rin sila, wala pa akong matinong tulog at maging ang iba pa. Pero eto at magkakasama pa rin kami.
"Ano na Jerich? Magpaliwanag ka na" sabi ni Trish.
Umupo na rin kami ni Yhan, at inabutan ako ng cake ni Yohan.
"Thanks" nakangiting sabi ko.
Ngumiti din ito sakin.
"Pwede ba? Wag kang ngumiti sa kanya" inis na sabi ni Yhan kay Yohan.
Napailing ako.
"Para kang si Kurt dun sa nabasa ko sa wattpad, o lahat ng lalaki ganyan talaga ka possessive sa mga girl nila?" nang iinis na sabi ni Ray.
Napailing na lang ako sa kanila.
"Guys, nandito tayo para malaman natin ang mga nangyayari satin" sabi naman ni Izza.
"Tama! Sino ba yung mga humahabol satin? Saka ano yung sinasabi niyong sinadyang kidnapin kami?" si Trish naman.
Napatingin ako kay Trish at nagtataka akong tumingin kay Jerich.
Tumingin ito sakin saka ngumiti.
"Bago ko sagutin yan' gusto ko munang ikwento ang lahat ng mga hindi niyo alam at gusto ko rin munang magpakilala sa inyong lahat" nakangiting sabi nito.
BINABASA MO ANG
ANGELS DEATH UNIVERSITY (SAPPHIRE & ELEAZAR) #Wattys 2016
Teen FictionAngels Death University... It's a typical stories... About school life,,, Kung paano makikisama ang isang SIMPLE girl... Sa mga ELITE... FAMOUS... POWERFUL... RICH student... Ng A.D.U At kung paano mababago ang kanyang buhay sa pagkakaroon ng mg...