SAPPHIRE CRYSTAL TORRES
8months later...
Ang bilis ng araw hindi ko namalayang nakaka walong buwan na kami dito sa isla, hindi na rin kami nakakapasok sa school.
Malapit na ang end ng school yr. Sa sunod second yr. na kami pero iniisip ko kung makakapasa ba kami, hindi naman kami pumapasok.
Nakatanaw lang ako sa malayo... nang may umupo sa tabi ko. Paglingon ko si Jerich pala.
"Hanggang kailan pa tayo dito?" tanong ko.
"Naiinip ka na ba?" tanong naman nito.
Muli akong tumingin sa dagat. Sa totoo lang mas gusto ko dito, kaya lang... namimiss ko na rin ang pamilya ko.
"Naisip ko lang 8months na tayong andito, malamang hinahanap na kami ng pamilya namin, beside magtatapos na ang klase tingin mo ba papasa kami?" tanong ko sa kanya.
"Well, sabagay tama ka, tingin ko dapat na tayong bumalik, mukhang ok na rin naman ang sitwasyon doon eh, nga pala nalaman kong nextweek na ang final exam niyo" sabi pa nito.
"At about sa J? Hindi na kami doon magtatrabaho nila Ray, di ba? Hindi pa ako nakakapag report sa bueno bakeshop" nag aalala pa ring sabi ko.
Napangiti ito saka ginulo ang buhok ko. Pinalis ko naman ang kamay niya.
"Ang dami mong problema, basta ang masasabi ko lang makakabalik na tayo doon bukas, tutal lahat kayo malalakas na, kaya niyo ng lumaban" nakangiting sabi nito saka tumayo at iniwan ako.
Muli na naman akong tumingin sa dagat.
Yah, sa tagal namin dito marami na ang nangyari samin, naging magaling na kami sa pakikipaglaban, nag improve na rin ang pagiging close namin lahat.
Napatingin ako kay Sam at Steph na nasa di kalayuan at nag aaway na naman.
"Ano ba Steph? Pansinin mo na ako" sigaw ni Sam.
"Ewan ko sa'yo Sam, panira ka ng moment eh, bwiset ka dyan ka na!" inis ding sigaw ni Steph.
Napailing na lang ako sa kanilang dalawa. Until now, hindi pa rin naman sinasagot ni Steph si Sam eh. Ang tagal na rin since ng magsabi itong manliligaw.
"Bes, pwede ba akong magpatulong sa'yo?" napalingon ako kay Chrys.
Lahat naman kami yun na ang tawagan sa isa't isa.
Ngumiti lang ako.
"Sure, ano ba yun?" sagot ko.
Umupo ito sa tabi ko, saka tumingin sa dagat.
"Gusto ko na sana magtapat kay Trisha, alam mo na kaso---" namumula ito habang nagsasalita.
"Nahihiya ka? Well, akong bahala sa venue hehehe basta ihanda mo ang speech mo mamaya" nakangiting sabi ko.
Tumayo na rin ako, at iniwan siya dun.
Papasok na ako sa loob ng rest house ng mapansin ko si Ellie. Nakakunot yung noo nito at nakasimangot.
Problema na naman kaya nito?
"Mr. Yhanny anong problema mo?" tanong ko.
Lalong kumunot ang noo nito at nagsalubong ang kilay nito sa tinawag ko sa kanya.
"Pwede ba Crys, baka gusto mong patunayan ko sa'yo na hindi ako bakla?" bigla itong ngumisi sakin.
Napailing na ako.
BINABASA MO ANG
ANGELS DEATH UNIVERSITY (SAPPHIRE & ELEAZAR) #Wattys 2016
Ficção AdolescenteAngels Death University... It's a typical stories... About school life,,, Kung paano makikisama ang isang SIMPLE girl... Sa mga ELITE... FAMOUS... POWERFUL... RICH student... Ng A.D.U At kung paano mababago ang kanyang buhay sa pagkakaroon ng mg...