CHAPTER 11

249 14 0
                                    

STEPHANNIE SORIANO

Maaga kami ni Trisha ngayon pumasok, may usapan kasi kami nina Saph na maagang papasok eh.

Nagulat ako kagabi nung tinext ako ni Saph. At sinabing agahan daw namin pagpasok kasi may pag uusapan kami.

"Ano kaya sasabihin ni Saph satin?" tanong ko kay Trisha.

Ibinaba naman nito yung librong binabasa nito saka ako hinarap.

"Kung alam ko yun, malamang na sinabi ko na sa'yo di ba?" nakataas ang kilay na sabi ni Trisha sakin.

Hay... kahit kailan tong babaeng to mataray.

"Teka anu pala nangyari sa inyo ni Sam?" tanong nito.

Napaiwas yung tingin ko sa kanya.

Ayaw ko na nga maalala iyon eh, tsk... naiinis ako sa Samuel na baliw na iyon.

Yung first kiss ko... waaaa wala na,...

"Steph???" nag aalalang tanong ni Trish sakin.

"Oh my god!, ginahasa ka ba ng Samuel na yun?" O-o nanlalaki ang matang tanong ni Trisha sakin.

-_-

Kung alam mo lang... huhuhu i hate him.

Wala siyang karapatan kunin yung first kiss ko para yun sa lalaking mamahalin ko, at mapapangasawa ko.

"Waaaa i hate him!" di ko na napigilan yung sarili ko, niyakap naman ako ni Trisha.

"Ganyan talaga daw sa una masakit, lalo na pag di mo gusto wag kang mag alala ipapakulong natin yung manyak na Samuel na yun" pag aalo sakin ni Trisha.

Bigla akong natigilan sa sinabi niya. Anu daw yun??? Ipapakulong? Bakit???

"Huh??? bakit mo ipapakulong si Samuel?" takang tanong ko sa kanya.

"Di ba ginahasa ka niya? Kaya ka nga umiiyak eh," naguguluhang sabi din ni Trisha.

Bigla akong napahagalpak ng tawa sa kanya, si Sam??? Gagahasain ako??? Impossible, di ako ang type nun.

Di ka type??? Pero hinalikan ka? sabi ng isang bahagi ng isip ko.

"Kita mo toh, baliw ka na ata eh, kanina umiiyak ka ngayon tumatawa ka naman lakas talaga ng talangka sa utak mo" inis na sabi nito sakin.

Pinahid ko naman yung mga luha ko saka ako ngumiti.

"Sorry Sis, kasi naman nakakatawa yung sinabi mo eh, gagahasain talaga yung term? San mo napulot yung salita na yan? Saka tingin mo pagnanasaan ako nung baliw na iyon? Eh, ang daming sexy na nagkakandarapa sa mga yun tsk" sabi ko sa kanya.

Napakibit balikat ito.

"Sabagay, eh anu nga ang nangyari?" tanong ulit nito.

"Naiinis kasi ko sa baliw na yun, eh" sabi ko sa kanya.

"Bakit anu bang ginawa niya?"

"Kapal ng mukha nun, kinuha niya yung first kiss ko" at pagkasabi ko nun, nag iiyak na naman ako.

Hindi ko alam bakit niya yun ginawa sakin. Anu bang akala niya sakin? Laruan lang???

Napabuntong hininga si Trisha sa tabi ko. Napatingin ako sa kanya.

"Hanggang ngayon ba Steph, di ka pa rin naniniwala sa kanya na mahal ka niya?" seryosong tanong ni Trisha.

Eto ang ayaw ko eh, yung maging seryoso usapan namin. Napaiwas ako ng tingin sa kanya, nakita ko agad si Saph na papunta na dito samin.

ANGELS DEATH UNIVERSITY (SAPPHIRE & ELEAZAR) #Wattys 2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon