SAPPHIRE CRYSTAL TORRES
Kasalukuyan kaming nagkukwentuhan ni Jerich ng lumapit samin si Ray.
"Boss, wag ka masyadong dumikit kay Crystal nagseselos bf niya eh,"
Nagkatinginan kami ni Jerich saka kami sabay na tumingin kay Ray.
"What do you mean? Rayanne?" tanong ni Jerich.
Ngumuso naman siya sa direksyon nila Ellie.
Napakunot yung noo ko ng mapansin ko yung mga bago kong friends na nakatingin din samin.
Kaso bakit ganun makatingin yung Ellie na yun???
Naramdaman ko na lang na inakbayan ako ni Jerich at lalo akong hinapit palapit sa kanya. Napalingon naman ako kay Jerich.
"Anong ginagawa mo?" tanong ko kay Jerich.
Nahihiya na ko sa mga tao dito, pati sila Cess at Prince nakatingin na rin samin at maging si Elise ang sama na rin ng tingin sakin.
"Relax, i'll show you something interesting Crystal hehehe trust me" bulong ni Jerich sakin saka nag wink sakin.
Napangisi ako, alam ko yang mga ganyang kilos nitong lokong toh eh hahaha...
"Go on, yummy bear" pang aasar ko rin sa kanya. At nagtawanan kami.
"But before yan??? Parang dapat na muna tayong magtrabaho di ba???" nakangisi pang sabi ko, saka hinaplos ko pa yung mukha ni Jerich.
Napatulala lahat samin eh, pati sina Cess, Ray at Prince.
"Sige, yummy bear mamaya sabay tayo mag lunch" nakangising sabi nito at nag wink pa sakin.
Napailing na lang ako saka ko inasikaso yung mga costumers.
Habang abala ako sa pag tatrabaho, nag ring naman yung cp ko, kinuha ko yung cp ko sa bulsa ng slack ko, mabuti na lang napansin ko si Cess sinenyasan ko siya na pumalit muna sakin sa cashier bago ko sinagot yung tawag.
"Hello po?"
[Hello, may i speak to Ms. Sapphire Crystal Torres?]
"Yes, Ma'am speaking"
[Ah...nagpasa ka ng resumé sa Bueno Bakeshop?]
"Opo, Ma'am" sagot ko pa rin nakalimutan ko na nga yung tungkol dun eh.
[May interview ka bukas sa may ari ng bakeshop so, punta ka na lang dito ng mga 9am-1pm ok bring your valid I.D and complete your requirements]
"Thanks po Ma'am , nga po pla sino po hahanapin ko bukas? And my dress code po ba kayo?"
[Hanapin mo na lang si Ma'am Serrica Bueno ok? and a formal attire its ok, yung mukhang presentable cge good day, i'll txt the add. of our bakeshop]
Saka nito inend call.
Napangiti na lang ako, di ko namalayang nasa likuran ko si Jerich.
"So, job interview mo na bukas?" tanong ni Jerich.
Muntik na ko mapasigaw dahil sa gulat, tsk asar talaga toh'
"Wag ka nga nanggugulat" sabi ko sa kanya.
"Ang hilig mo sa segway hahaha" siya pa rin.
Napanguso na lang ako.
"Hindi ka makakapunta dito bukas?" tanong ulit nito.
Nahihiyang tumango ako sa kanya.
"Ok lang ba?" tanong ko pa sa kanya.
Ngumiti naman ito sakin, saka ginulo yung buhok ko, pinalis ko lang yung kamay niya sa buhok ko.
BINABASA MO ANG
ANGELS DEATH UNIVERSITY (SAPPHIRE & ELEAZAR) #Wattys 2016
Teen FictionAngels Death University... It's a typical stories... About school life,,, Kung paano makikisama ang isang SIMPLE girl... Sa mga ELITE... FAMOUS... POWERFUL... RICH student... Ng A.D.U At kung paano mababago ang kanyang buhay sa pagkakaroon ng mg...