Princess Therese & Prince Lance stories
PRINCESS THERESE LIM
Kasalukuyan kaming nakakulong nila Ray, Prince at Jerich dito sa isang kwarto. Hindi ko nga alam kung asan na kami eh.
"Sir Jerich, kamusta na kaya sila Saph?" tanong ni Prince.
"Hindi ko alam, pero sana nakatakas sila ni Ellie" sabi nito.
Pero infairness kahit naka kulong kami dito, wala namang tali sa katawan namin. Napansin ko yung seradura na gumalaw.
Naging alerto naman kami. Pagbukas ng pinto.
"Yhandro?" Napalingon kami kay sir Jerich.
Kilala niya ba ang lalaking ito?
"Kamusta Kuya Jericho?" nakangisi pang tanong nito samin.
Napakunot yung noo namin.
"Sir Jerich, kilala mo siya? Saka bakit parehas kayo ng name?" tanong ko.
"Natural na kilala niya ako, ako lang naman ang kakambal niya I'm Jefferson Yhandro Saavedra" sabi pa nito.
"Anong ginagawa mo dito?" seryosong tanong nito.
"Well, nandito ako para palayain kayo dahil ang royal families ay nasa kamay na ni King Alexander at tapos na ang misyon namin dito, babalik na kaming lahat sa England kasama ng royal families" sabi pa nito.
"Master Yhandro" napalingon ito sa lalaking may katangkaran dito.
"Maxwell, send those idiot bastard people to their places" sabi nung Yhandro saka tumalikod na samin.
"Teka, anong sinasabi mong nasa inyo na ang pamilya nila Sapphire? Nagpapatawa ka ba?" inis namang sabi ni Ray.
"Simple lang, isinuko na siya ng kanyang knight in shining armour sa hari namin, so? Ang mabuti pa sumama na kayo kay Maxwell ihahatid na niya kayo" sabi pa nito.
"Magpapaiwan ako dito" napatingin kami kay sir Jerich, maging yung Yhandro ay napalingon din kay sir.
"Listen, mas masisiguro kong ligtas si Saph kung ako ang magbabantay sa kanya, kaya sige na umalis na kayong tatlo" sabi pa nito.
Nakita kong ngumisi yung Yhandro samin.
~*~*~*~*~*~*
After 1yr...
Magkasama kami ni Ray dito na nakatira sa condo na dating inookupa ni sir Jerich.
"Tumawag sakin si Sir Jerich" sabi ni Prince.
Andito na naman siya, madalas na siyang andito simula ng umalis si Sir Jerich.
Ito na rin ang nagpapatakbo ng X-warrior bar na kamakailan lang din namin nalamang pag aari pala talaga ni Sir Jerich.
"Kamusta daw sila ni Saph dun?" tanong ko.
"Yun, ok naman daw nakapanganak na raw si Saph" seryosong sabi nito.
Napabuntong hininga ako, alam ko namang mahal na mahal nito si Saph, kaya nga naiintindihan ko yung galit niya kay Ellie.
Alam na naming nabuntis si Sapphire at ang ama ay si Ellie. Pero ang hindi namin maintindihan, bakit nawala bigla si Ellie?
Iniisip kong baka may ginawa ang lolo ni Saph kay Ellie, hindi impossible iyon.
"At pinapapunta tayo dun ni Sapphire maging ang mga barkada nito sa isang linggo" sabi pa rin ni Prince.
BINABASA MO ANG
ANGELS DEATH UNIVERSITY (SAPPHIRE & ELEAZAR) #Wattys 2016
Teen FictionAngels Death University... It's a typical stories... About school life,,, Kung paano makikisama ang isang SIMPLE girl... Sa mga ELITE... FAMOUS... POWERFUL... RICH student... Ng A.D.U At kung paano mababago ang kanyang buhay sa pagkakaroon ng mg...