JHON CHRYSLER TORMIS
Pinagmasdan ko siya, ng pumasok na siya sa room namin, maaga kasi ako ngayon, kahapon absent siya bakit naman kaya???
Samantalang first day kahapon?.
Napatingin ako sa kasunod niya, si Steph pala, at kasunod ni Steph na pumasok ang Scholar girl na iyon, nakayuko ito ng pumasok sa room saka umupo na sa pwesto nito.
"Aga mo ah?" bati ni Steph sakin, napansin ko ng tignan niya ko, ngumiti lang ako sa kanya pero siya wala lang binaling na agad niya tingin niya dun sa scholar girl na tinabihan niya.
"Bakit absent kayo kahapon?" tanong ko kay Steph.
"Tinamad lang kami pumasok kahapon, bakit? May namiss ba kami???" tanong ulit ni Steph.
Ngumiti lang ako.
"Wala, pero may naka miss sa inyo" nakangiting sabi ko kay Steph.
Napakunot yung noo nito saka di na ko pinansin.
Siguro nagtataka kayo, kung sino yung tinitignan ko? Hehehe yung secret love ko si Trisha Amirah Cabrera, kaso di niya alam hahaha.
Para sakin ako ang bf niya kaso kainis lang laging naiwas sakin
-_- Simula ng pumasok kami sa showbiz at magbanda kami iniwasan na kami nila Steph.Lagi nilang kinakatwiran noon samin, ayaw nila ma issue samin ayaw nila ma involved at ma tsismis, pero magkakaibigan pa rin daw kami.
Naisip ko noon, mag quit sa banda namin pero ayaw ko din naman iwan sila Ellie, sila lang naman ang mga tropa ko eh.
"Mamaya sabay ka samin ni Steph mag lunch ah?" nakangiting sabi ni Trisha dun sa Scholar girl na iyon.
"Ahm, sa canteen lang ako nag la lunch eh, saka may pupuntahan ako mamaya half day lang naman tayo di ba? Di ako mag la lunch eh pasensya na" nahihiyang sabi nito.
"Sama ka na lang samin mag malling maya" nakangiti ding sabi ni Steph.
"Pasensya na talaga di ako pwede eh," sabi ulit nito.
Napatingin ako, sa pinto ng marinig ko na yung maiingay na tropa ko.
"Oh! Chrys anjan ka na pala?" si Ellie, yun napatango lang ako sa kanya saka ito umupo sa tabi ko.
"Girls, property ko yan" nakangiti namang sabi ni Yohann kina Trisha.
Kahapon ko pa napapansin tong si Yohann eh, panay ngiti tas kahapon bigla kaming iniwan yun pala nasa canteen at kasama yung scholar girl na iyon.
Nalaman din namin na tinulungan niya yang scholar girl na yan kina Zhendra, napailing na lang ako ng maalala ko yung sinabi ni Ellie na gusto niyang ilayo si Yohann sa scholar girl na iyan.
"Sorry Mr. Jasred, wala namang pangalan mo itong seat na ito, so paano mo ito naging property?" kunot noong tanong ni Trisha.
Bago pa makasagot si Yohann inunahan na siya nung scholar girl na iyon.
"Sir Jasred sa likod ka na lang mas ok kasi kung babae ang magiging katabi ko" sabi nito.
Ngumiti na naman si Yohann, saka pumunta na sa likuran nito.
"Sure sweetie," pacute na sabi ni Yohann, napansin ko naman yung katabi ko, ngayon ko lang nakita yung itsura niya na ganyan, nakakatakot.
"Ellie, ayos ka lang ba?" tanong ko sa kanya.Tinapik ko pa siya sa balikat.
"Oo, ayos lang ako" sabi niya.
Napakunot yung noo ko, kasi napansin ko yung pagkakakuyom niya sa kamao niya, nanggigigil siya, tinignan ko sila Jygx at Sam alam ko napapansin din nila si Ellie pag lumalapit si Yohann dun sa scholar girl na iyon.
BINABASA MO ANG
ANGELS DEATH UNIVERSITY (SAPPHIRE & ELEAZAR) #Wattys 2016
Teen FictionAngels Death University... It's a typical stories... About school life,,, Kung paano makikisama ang isang SIMPLE girl... Sa mga ELITE... FAMOUS... POWERFUL... RICH student... Ng A.D.U At kung paano mababago ang kanyang buhay sa pagkakaroon ng mg...