CHAPTER 2

457 21 0
                                    

ELEAZAR KHEAN DELA VEGA

Pinagmamasdan ko lang yung bagong student na si Sapphire, Close na agad sila ni Jasred -_-

"Ellie, mukhang may bago ng apple of the eye yung pinsan mo hehehe" nang aasar na sabi ng kabarkada at kasama ko sa banda na si Sam.

"Nauna ko sa kanya, kaya di niya ko mapipigilan lumapit kay Ms.Beautiful" sabi ko saka ko nag nap sa desk ko.

May naramdaman akong tapik sa balikat ko. Di ko na lang iyon pinansin at natulog na lang ako, wala pa namang kwenta pag first day of school psh -_-

Kaya lang, sadyang makulit yung tumatapik sa balikat ko kaya pinalis ko yung kamay niya. Tsk istorbo? nakitang natutulog ako eh. Puyat kaya ako.

Maya maya naramdaman ko na lang yung malakas niyang pagbatok sakin. Sapo ang ulong inangat ko yung tingin ko takte sino ba ito??? +_+

"Mr. DELA VEGA! Kung tutulugan mo lang yung klase ko mabuti pang lumayas ka dito now na!" sigaw sakin nung babaeng nasa harap ko, agad akong napa straight ng upo tsk.

Napaka amasona talaga ni ate oh, psh.

Oo, ate ko yan si Ma'am Lucia, tas ang adviser namin na si Sir Shanjie kuya naman ni Jygx.

Obviously mga screen name lang nila yan, ewan ko sino nag pauso nun. Psh -_-

Narinig kong nagtatawanan yung mga katabi kong kolokoy, isa isa ko silang sinamaan ng tingin bago ko tumingin sa unahan. Humanda lang kayo mamaya sakin psh +_+

"As I was saying, mag vo-vote na tayo ng class officer" sabi ni Ate.

Grabe, Officers??? Nagtaas ako ng kamay.

"Yes, Mr.Dela Vega?" kunot noong sabi ni Ate sakin,

"May I go out?"

At ayun nagsi-tawanan na naman ang barkada ko, tsk ayaw ko mag vote at maging officer mabuti pang matulog na lang ako.

Napansin kong lumapit samin si Ate este si Ma'am Lucia pala, at walang anu ano'y pinaghahampas kami ng dala niyang dyaryo.

Huh??? San galing yung dyaryong hawak niyan?-_-

"Puro kayo kalokohan, hmp at dahil dyan parurusahan ko kayong lima, tutal ang motto niyo di ba??? is 'ONE FOR ALL,ALL FOR ONE! so i'll give all of you a punishment" nakangising sabi ni Ma'am Lucia.

Bigla akong kinabahan, iba kaya ugali netong ate kong amasona psh -_-

"Ma'am di naman po ako kasama sa mga tumawa ah?" sabi ni Jygx.

Lumapit naman si ate kay Jygx.
At saka hinampas din ito sa ulo ng dyaryo.

"Mabuti pala at may nag abot sakin netong dyaryo na ito, may pakinabang pala ito" nakangising sabi pa niya.

Anu na naman kayang iniisip netong babaeng to? Psh...

"Dahil mabait ako, at first day palang ng klase ang ipa punishment ko sa inyo Mr.Dela Vega, Mag 20 laps kayo ngayon sa grounds" nakangising sabi pa nito.

Akala ko tapos na siya pero...

"With no uniform... that's mean??? Topless kayo habang tumatakbo ng 20laps sa ground, NOW NA!!!" nakangiting sabi ulit nito.

"Pero ma'am?..." si Chrys yan.

"Ok, I'll make it 40 laps, may magsasalita pa ba jan?" si Ma'am ulit.

Napangiwi ako, paki remind nga sakin next time na masamang galitin ang isang Kheanna Dela Vega psh -_-

Tumayo na lang ako, at maging ang mga tropa ko. Baka madagdagan pa yung parusa namin eh.

ANGELS DEATH UNIVERSITY (SAPPHIRE & ELEAZAR) #Wattys 2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon