CHAPTER 32

202 11 0
                                    

ELEAZAR KHEAN DELA VEGA

Andito na kami ni Yohan sa warehouse na pinuntahan ko, nung inakala kong kinidnap nila si Sapphire.

"Mabuti naman at nandito na kayo" bati ni Jerich samin.

Napansin kong nagulat si Yohan, di ko naman siya masisisi eh, maski ako rin naman nagulat noon eh.

"Mga gangster kayo?" kunot noong tanong ni Yohan sa kanila.

Napansin kong tinitigan din ni Yohan yung Ray.

"Yah, naipaliwanag na namin kay Yhan ang lahat" sabi naman ni Jerich samin.

Napakunot noo ako sa tinawag niya sakin.

"Bakit Yhan ang tawag mo sakin? Sino ka ba talaga Jerich?" tanong ko pa.

Bago pa may masabi si Jerich sakin, nabulabog kami ng isang tumatakbong lalaki.

"Boss, nasa hide out na sila" sabi nung lalaki.

"Lance, Rayanne, Therese mauna na kayo dun susunod na lang kami at mukhang may bisita pa tayo bukod sa kanilang dalawa" nakasing sabi nito.

Napakunot naman yung noo namin.

"Teka, naguguluhan ako eh, mga gangster talaga kayo?" si Yohan pa rin.

"Not really, isa kaming mga agent pero may sarili kaming grupo kami ang humuhuli sa mga ganster lalo na sa miyembro ng R.E.P.C yun nga lang, mahirap silang mahuli lahat" sabi ni Jerich.

Nagkatinginan lang kaming magpinsan.

"Kayong tatlo lumabas na kayo dyan" biglang sabi nito.

Napalingon kami sa likuran namin, nakita namin sila Jygx,Sam at Chrys.

"Kung ganoon, sasali kayo sa kanila?" seryosong tanong ni Jygx samin.

"Tama, para kay Saph kung bakit gusto kong sumali sa kanila" sagot naman ni Yohan.

"Ikaw Ellie? Anong rason mo?" tanong ni Chrys sakin.

"Para kay... para sa pamilya ko malamang at para sa mga kaibigan ko" sabi ko habang nakayuko.

Napailing na lang sila sakin.

"Kung ganoon, sasali rin kami tulad nga ng sinabi satin ng ate mo ang barkada natin ay walang iwanan" nakangising sabi ni Sam.

Biglang pumalakpak si Jerich.

"Kung ganoon? ready na kayo?" tanong ni Jerich samin.

Naalala ko si Sapphire.

"Teka, sino ang mga kasama ni Sapphire sa J?" tanong ko.

Naalala kong papasok siya ngayon sa J.

"Wag kang mag alala sa kanya, nandoon ang mga agent ko" nakangiting sabi ni Jerich saka ako tinapik sa balikat.

"Mabuti naman at nag aalala ka na sa kanya" dagdag pa nito bago tumalikod samin.

Sinundan lang namin sila.

~*~*~*~*~*~*

SAPPHIRE CRYSTAL TORRES

Andito na ako sa J, at ewan ko ba kung bakit wala sila Prince, Cess at Ray maging si Jerich wala.

Napabuntong hininga ako, mabuti naman at ok na kami ni Prince, kinausap ko na siya kaya ok na rin kami.

"Kainis yung Samboy na yun" napatingin ako sa pwesto nila Steph at Trish.

Silang dalawa lang ang nandito, pinatawag kasi si Izza ng manager niya. Samantalang yung mga boys ewan ko kung asan.

ANGELS DEATH UNIVERSITY (SAPPHIRE & ELEAZAR) #Wattys 2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon