SAPPHIRE CRYSTAL TORRES
Yhan...
Napadilat ako at nakita kong nasa ospital na naman ako. Seriously??? Bakit lagi akong laman ng ospital ngayon?
Nilibot ko yung paningin ko. Napansin ko si Ellie sa tabi ko na natutulog.
Maya maya naramdaman ko na may pumipihit ng seradura kaya napapikit ako.
"Yhan," narinig ko yung boses ni Kuya Topz.
Napadilat ako at nakita kong gising na rin si Ellie. Napakunot din yung noo ko.
"Kuya? Andito si Yhan? Tinawag mo siya eh" sabi ko.
Nagtatakang tinignan ako ni kuya saka tumingin ito kay Ellie.
"Sige na, ako ng bahala kay Sapphire umuwi ka na, salamat ulit" baling ni kuya kay Ellie.
Tumango naman si Ellie saka ako nilingon.
"Pahinga ka na goodnight" paalam niya pa sakin.
Tumango na lang ako sa kanya.
Naalala ko bigla yung sinabi ni Sheena, na kung sino ang unang pumasok sa pinto at magliligtas sakin mahalaga ako sa kanya.
Si Ellie ang unang nakita kong pumasok sa pinto, at nandun din silang lahat pati ang tatlong bestfriend ko at si Jerich that means lahat sila pinahahalagahan ako?
"Kamusta na ang pakiramdam mo?" pukaw ni Kuya Topz sakin.
"Ok na ako kuya, siguro nahimatay lang ako dahil sa takot akala ko kasi mamamatay na ako eh" at hindi ko na namalayang umiiyak na pala ako.
Napakunot yung noo ni Kuya ng tignan ako.
"Ano bang nangyari? At bakit nababalita ka na sa tv ngayon?" tanong pa nito.
"Kuya, yung Sheena siya at ang mga kaibigan niya ang may pakana ng lahat ng yun, sabi niya sakin nung tinali niya ko dun sa lumang lab" umiiyak pa rin na sumbong ko.
Napailing iling na lang ito saka hinaplos ang pisngi ko.
Maya maya umupo ito sa tabi ko at niyakap ako.
Para sakin, si Kuya Topaz ang knight in shining armour ko. Siya ang bestfriend ko dahil siya lang ang nakakaunawa sakin. Siya din kasi madalas ang nagtatanggol sakin.
"Sabi ko naman kasi sa'yo di ba? hindi maganda ang idea na pumasok ka sa A.D.U na iyan, puro gulo lang ang mararanasan mo" sermon naman ni Kuya habang nakayakap pa sakin.
Umiling ako, wala naman sa school ang problema sadyang mga baliw lang ang ibang estudyante doon.
"Kuya, gusto ko sa A.D.U pinangarap ko ng pumasok doon, kaya nga ng matanggap ako as full scholar tinanggap ko na kasi pangarap ko yun eh" nakangiting sabi ko kay Kuya.
Napailing na lang ito at niyakap ako.
"Hay... ano pa bang magagawa ko? Pero sana naman ingatan mo na ang sarili mo? Para hindi na kami mag alala sa'yo nila Mama" sumusukong sabi ni Kuya Topz.
Tinignan ko naman siya sa mga mata niya saka ako ngumiti at tinaas ko ang kamay ko na parang nanunumpa.
"Promise kuya, last na ito hahaha" masayang sabi ko sa kanya.
Ngumiti naman si Kuya sakin saka naman nito tinaas yung hinliliit niya kaya ginaya ko din siya, at pinagcross namin yun.
"Promise?" Kuya Topaz.
"Promise na promise" nakangiting sabi ko.
Tapos niyakap ulit ako ni Kuya.
Kahit ganyan yang kuya ko alam kong mahal kami niyan.
BINABASA MO ANG
ANGELS DEATH UNIVERSITY (SAPPHIRE & ELEAZAR) #Wattys 2016
Fiksi RemajaAngels Death University... It's a typical stories... About school life,,, Kung paano makikisama ang isang SIMPLE girl... Sa mga ELITE... FAMOUS... POWERFUL... RICH student... Ng A.D.U At kung paano mababago ang kanyang buhay sa pagkakaroon ng mg...