ELEAZAR KHEAN DELA VEGA
Nasa garden na naman ako, gusto ko talaga dito sa garden nila Chrys, malawak kasi eh.
Naramdaman ko sa likod ko si Chrys.
"Care to tell me, kung anung ibig sabihin ng mga nakita ko? At kung anu ang ipinakain niyo sa kanya para maging close agad kayo ?" tanong ko.
Alam kong nanlilisik ang mga mata ko sa kanya.
"Ah-- Ellie, a--anu kasi bz ka kasi sa bahay kakatulog--- tas--- tas ayun---" kinakabahang sabi ni Chrys.
Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Lumapit ako sa kanya.
"Ano yun??? Sinasabi mo bang tulog ako ng tulog???" naiinis na sabi ko.
"Hindi naman sa ganun," kakamot kamot sa ulong sabi ni Chrys.
Napailing ako sa kaniya. Maya-maya.
"Hoy, lalaking batugan!" sigaw nung scholar girl.
Napakunot yung noo ko, nakita ko siya sa likod ni Chrys, nakapamewang tas nakataas pa ang kilay.
Huh? Sinong batugan tinatawag nito?
"Wag mong galawin yang kaibigan ko, kung ayaw mong masaktan sakin" sabi ulit nito, at saka lumapit samin at hinila si Chrys na nagulat din.
Grabe ang tapang niya. -_-
"Teka nga, bakit ka ba nakikialam samin?" tanong ko sa kanya.
Tumigil naman ito sa paglalakad.
Saka ako hinarap, Biglang bumilis yung pintig ng puso ko pagharap niya. Tsk di naman ako natatakot sa kanya bakit ba ako kinakabahan.
Nakita ko yung pagngisi niya.
"Makikialam ako dahil mahalaga sakin lahat ng kaibigan ko at mahal ko sila kaya ayaw ko silang masasaktan, lalo na ng tulad mong batugan at feeling mataas sa lahat" sabi nito saka ako, tuluyang nilayasan nung dalawa.
Tsk... makakaganti din ako sa'yong babae ka, saka ako napahawak sa dibdib ko.
Bakit ang bilis pa din ng tibok ng puso ko??? Mabagal akong pumunta sa swing at umupo.
Saka ako napabuntong hininga, anu ba itong nararamdaman ko? Kakaiba yung tingin niya kanina.
"Yhan, kapag matatanda na tayo makakalimutan mo din ako sigurado yun" nakangiting sabi ng isang batang babae
"Hindi Crys, ikaw lang talaga ang mamahalin ko at hindi ako magmamahal ng iba promise yan" umiiyak na sabi nung isang batang lalaki habang nakaupo sila sa swing.
"Hoy, Ellie tara na sa loob, magsisimula na tayo ng project natin" sabi ni Zhendra at tinapik ako sa balikat.
Bigla akong napadilat. At saka ko tumingala sa kanya. Napakunot naman yung noo ni Zhendra.
"Why are you crying?" takang tanong naman ni Zhendra sakin.
Huh??? Ako? Umiiyak? Hinawakan ko yung pisngi ko, basa nga tsk... nakatulog pala ako, pero anu ba yung napanaginipan ko na yun?
First time ko lang napanaginipan yun, saka sino ba yung mga batang yun??? Di ko kasi nakita yung mga mukha eh, kasi puro shadow lang...
"Ewan ko, nakatulog ako eh" sabi ko.
Napapailing na lang sakin si Zhendra.
"Kaya ka nasasabihang tulog ng tulog nung babaeng yun eh" sabi ni Zhendra. Saka umalis na sa harap ko.
BINABASA MO ANG
ANGELS DEATH UNIVERSITY (SAPPHIRE & ELEAZAR) #Wattys 2016
Fiksi RemajaAngels Death University... It's a typical stories... About school life,,, Kung paano makikisama ang isang SIMPLE girl... Sa mga ELITE... FAMOUS... POWERFUL... RICH student... Ng A.D.U At kung paano mababago ang kanyang buhay sa pagkakaroon ng mg...