Hannah Rayanne & Yohann Jasred stories.
HANNAH RAYANNE MARTINEZ
Napasimangot ako matapos kong makakita ng bulaklak sa may kwarto ko.
After ng pang aasar nila samin ni Yohan, nung araw na sagutin ni Cess si Lance, lagi ng nagpapadala ng mga bulaklak si Yohan sakin.
"What with that face?" natatawang tanong ni Cess.
"Kabadtrip yung Jasred na iyon eh" nakasimangot na sabi ko.
"Bakit naman? Ano ba ginawa sa'yo?" tanong pa nito.
Bukod kay Saph, eto pa ang isa sa bestfriend niyang super mausisa.
Nakakamiss na yung babaeng yun.
"Bakit niyo kasi kami inasar, ayun tuloy panay padala na ng bulaklak sakin, tas panay text kabadtrip!" sabi ko pa rin.
Napailing naman ito, napansin din niyang bihis na bihis ito.
"May date kayo ni Lance?" tanong ko.
Hindi ko maitago yung lungkot ko, na hindi na ako maaring sumama sa lakad nung dalawa kasi malamang magiging chaperone lang ako. Besides, ayaw ko ding makaistorbo sa dalawang ito eh.
"Wala, tayo ang may date" nakangiting sabi nito.
Napatingin naman ako sa kanya.
"Maligo ka na at magbihis, wait kita sa labas ok?" nakangiting sabi nito.
Napailing na lang ako, ganun ba talaga pag inlove??? Laging blooming? Hay...
Paglabas ko, tumayo na si Cess saka ako hinila palabas.
"Excited lang?" tanong ko.
"Naman!" sabi nito.
Napailing na lang ako.
Pagdating namin sa mall.
"Wait bes ah? Bibili lang ako ng makakain natin" paalam nito.
Nagtatakang tinignan ko siya.
"Eh bakit, kailangan mo pa akong iwan dito?" tanong ko.
"Cess! Tara na?" napalingon ako sa tumawag sa kanya, napakunot yung noo ko ng makita si Prince kasama si Yohan???
Wow ah, close na sila?
"Naku bes, may lakad pala kami ni boyfie hehehe, enjoy na lang kayo ni Yohan ah? Uy Yohan ingatan mo yang bes ko" nakangiting sabi nito.
"Plano niyo talaga ito noh???" inis na sabi ko sa kanila.
Napansin kong tumalikod na yung dalawa.
"Mag enjoy ka kasama si Yohan, bes" sigaw pa ni Cess.
Napangiwi ako, napaka skandalosa talaga ng babaeng yun. ~_~
"Pwede mo ba akong samahan?" tanong ni Yohan.
Tinignan ko lang siya, saka ako napabuntong hininga.
Ano pa bang magagawa ko?, saka nakakabored din naman sa condo.
"Sige" sabi ko.
Saka kami pumunta sa national bookstore.
"Naalala mo ba? Sa national bookstore din tayo unang nagkakilala" nakangiting sabi nito.
Ngumiti din ako. Cute pala siya talaga lalo na pag nakangiti.
BINABASA MO ANG
ANGELS DEATH UNIVERSITY (SAPPHIRE & ELEAZAR) #Wattys 2016
Teen FictionAngels Death University... It's a typical stories... About school life,,, Kung paano makikisama ang isang SIMPLE girl... Sa mga ELITE... FAMOUS... POWERFUL... RICH student... Ng A.D.U At kung paano mababago ang kanyang buhay sa pagkakaroon ng mg...