SAPPHIRE CRYSTAL TORRES
Napabuntong hininga ako ng makarating kami sa school, mabuti naman at nakarating kami ng buo at ligtas.
Papunta na ko sa dati kong seat at ganun din sina Trisha at Steph na mga katabi ko sa upuan dito sa last row ng mapansin ko si Zhendra na nakasunod samin.
"Hey, Zhendra di ba dito ka nakaupo?" tanong ng isa sa mga kaibigan nito.
"Sheena, sorry ok? pero ayaw ko na makipag plastican sa inyo, after all alam ko namang never niyo kong tinuring na kaibigan so pls. Stop pretending that you are my good friend" mataray na sabi ni Zhendra.
Napangisi naman si Sheena kay Zhendra.
"Really??? Buti naman at naramdaman mo pala? Akala ko kasi manhid ka, sabagay kaya nga lang kami sumasama sayo para maging famous din kami, but will you become my good friend??? Nah... i'm not desperate to become a close to you, your so pathetic girl" mataray ding sabi ni Sheena.
Uso pala talaga ang plastican noh???
"So, mag-ingat kayo sa pakikipag kaibigan sa babaeng yan, baka hindi niyo alam ginagamit lang kayo niyan para masabing siya ang mataas sa school na ito" sabi ni Sheena at tinignan kami isa isa.
"Tapos ka na ba?" tanong ko dun sa dating kaibigan ni Zhendra.
"What?" kunot noong tanong din sakin ni Sheena.
"Tinatanong nung best friend ko kung tapos ka na? Kasi kung tapos ka na laitin yung best friend naming si Izza makakalayas ka na sa harap namin" inis ding sabi ni Steph.
Napatingin lang ako sa iba naming mga classmate mga nanonood lang na akala mo may shooting.
Napalingon din ako sa mga boys na nasa likuran namin, mga nanonood lang sila sabagay away namin tong mga girls eh.
"Aba't!, kaya ka ba nagmamatapang na ngayon Zhendra dahil sa mga loser na iyan?" tanong ng isa sa mga dating kaibigan din nito.
"Cynthia, mas mukha kayong loser compare sa kanila, come to think of it... kung sa mga jewelry, kayo ang mga tansong peke at sila ang antique na may sentimental value" nakangisi ng sabi ni Zhendra.
"Why dont you shut up all of you? and go back to your place?" mataray ding sabi ni Trisha.
"What's going on???" biglang singit ni Ma'am Lucia na hindi namin namalayang nasa room na pala.
"Saved by the bell, you bitch may araw rin kayong apat sakin" galit na sabi ni Sheena samin saka nag si alisan na sa harap namin.
Umupo na rin kami sa mga seat namin.
At nagsimula na magklase si Ma'am Lucia.
"Class, next week magkakaroon na tayo ng mga intrams so, yung mga sporty dyan pwede na kayo mag try out pumunta lang kayo sa gymnasium para sa mga Cheerleaders, gymnast, volleyball, basketball, chess, swimming, badminton at sepak takraw" announce Ma'am Lucia.
Nagtaas ng kamay yung isang mejo payat na lalaki. At mukha siyang nerd.
"Ma'am Lucia, what about the other activities? Kailan po pwede mag audition sa theater?" tanong niya.
"Ok, the other activities including are musical, theater, journal newspaper writer, poetry, photography, painter are tommorow in auditorium, i hope all of you will be join the activities... plus grade niyo rin yan" sabi ni Ma'am Lucia.
Bigla akong napaisip sa sasalihan ko. At napangiti ako, alam ko na kung saan ako sasali. ^_^
~*~*~*~*~*~*
BINABASA MO ANG
ANGELS DEATH UNIVERSITY (SAPPHIRE & ELEAZAR) #Wattys 2016
Ficțiune adolescențiAngels Death University... It's a typical stories... About school life,,, Kung paano makikisama ang isang SIMPLE girl... Sa mga ELITE... FAMOUS... POWERFUL... RICH student... Ng A.D.U At kung paano mababago ang kanyang buhay sa pagkakaroon ng mg...