CHAPTER 44

187 8 0
                                    

ELEAZAR KHEAN DELA VEGA

Napabuntong hininga ako habang hinahaplos ko ang ulo ni Crystal.

Nakatulog na naman siya sa sobrang pag iyak.

Ano nga ba ang dapat kong gawin?

Tumayo na muna ako saka nagtuloy sa may kusina, kahit wala akong gana kumain kailangan pa rin namin kumain. Kaya nagluto na muna ako, kahit paano marunong naman ako magluto.

Napansin ko yung cellphone ko na nasa may lamesa, nagba vibrate ito, nakita kong tumatawag si Kuya Alex.

"Hello? Kuya Alex?"

[Asan si Sapphire Crystal?]

Napakunot yung noo ko. Sa boses nito halatang hindi ito si Kuya Alex.

"Anong ginawa mo kay Kuya Alex?"  tanong ko.

[Wala kang pakialam bata! Hmmm... malamang ikaw ang anak na lalaki ni Khierre? Tsk... dalhin mo sakin si Sapphire, at sisiguruhin kong magiging masaya ka sa gagawin ko.]

Napakunot yung noo ko. At anong ibig niyang sabihin dun?

[Hindi mo naman gustong mahirapan ang pamilya mo, hindi ba? Natitiyak ko sa'yo oras na bumalik sakin ang apo ko at ang pamilya niya ipapakasal kita sa apo ko, alam kong gustong gusto mo siya batang Dela Vega]

Narinig ko pa ang pagtawa niya.

Tsk... ano bang akala niya? Na mabilis niya ako mapapaniwala?

[Ellie, pumayag ka na apo, ipinagkasundo na kayo ng ate mo sa magkapatid na iyan kaya hindi mo na kailangan pang itago si Crystal sa lolo niya.]

Nagulat ako sa narinig ko. Si lolo Leonard ba iyon? Tahimik pa rin ako, habang nakikinig sa kabilang linya.

[Hindi mo rin naman gugustuhing mapahamak ang pamilya at mga kaibigan mo hindi ba?]

Tsk... ang matandang yun. Napa kuyom na lang ako sa kamao ko saka napa buntong hininga.

"Sige, pumapayag akong kunin niyo siya, palayain mo na ang pamilya at mga kaibigan ko, pero sa isang kondisyon" sabi ko.

[Hahaha... sige ano ang kondisyong iyon?]

"Bukas niyo na siya ng umaga kunin dito, pag alis ko iiwan ko siya dito, at siguruhin niyong hindi niyo siya sasaktan" seryosong sabi ko.

[Sige, wag kang mag alala hindi ko siya sasaktan hahaha]

Saka nito pinatay yung tawag.

Nanghihinang napaupo lang ako,I'm sorry Crystal, sana maintindihan mo ang ginawa kong ito. At sana... sana mapatawad mo ako, umiyak lang ako, habang nakayuko.

Pumunta muna ako sa kwarto ko saka naligo, bago ako pumunta sa kwarto ni Crystal.

~*~*~*~*~*~*

SAPPHIRE CRYSTAL TORRES

Kumakain na kami, kanina ko pa napapansing ang tahimik ni Ellie, ano kaya ang problema niya? Sinusulyapan ko lang naman siya, wala lang naninibago kasi ako sa kanya eh.

After namin kumain, nagyaya siyang mag movie marathon, kaya pumunta kami sa may living room.

"Wait lang Crys, kukuha ako ng makakain at maiinom humanap ka na ng gusto mong panoorin" sabi nito.

Tumango naman ako sa kanya. Saka ito lumabas.

Natatandaan kong parehas kaming mahilig sa animé, kaya naman agad akong naghanap ng animé collection dito.

ANGELS DEATH UNIVERSITY (SAPPHIRE & ELEAZAR) #Wattys 2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon