SAPPHIRE CRYSTAL TORRES
Nagising ako kanina na medyo masakit ang mga kamay ko, at masakit pa ang ulo ko pati mata ko.
Naalala kong umiiyak pala ko sa may playground at nakatulog na ko.
Naalala ko din yung panaginip ko.
"Yhannn... wag mo kong iwan pls..." umiiyak na sigaw ko sa batang lalaki.
Hindi ko na siya makita sa sobrang pag iyak ko.
Naramdaman ko na lang yung pagyakap niya sakin.
"Promise, babalik ako hindi naman kita iiwan... uuwi lang ako samin, kaw talaga nanonood ka na naman ng mga drama" natatawang sabi niya sakin.
Umiiling akong nakayakap sa kanya. Hindi, narinig ko sila Ate Khey aalis na sila... natatakot ako dahil mawawala na ang bestfriend ko...
"Promise mo sakin, wag mo ko iiwan ha?" umiiyak pa rin ako sa kanya, pero humiwalay siya sa yakap ko at saka niya hinawakan ang pisngi ko saka siya ngumiti sakin.
Nakita ko din ang mukha niya. Ang cute niya pala??? Lalo na pag nakangiti siya.
"Promise, Crys hindi kita iiwan..." sabi nito sakin.
Sino kaya si Yhan??? Saka di daw niya ko iiwan? Bakit di ko siya matandaan???
Napabuntong hininga ako, saka ko napansin yung pagpasok nila Trisha sa kwarto.
"Buti gising ka na, tara na mag ready ka na papasok na tayo maya maya" sabi ni Trisha sakin.
May inabot na paper bag si Steph sakin.
Nakita kong uniform at mga undergarments pala yung laman.
"Ligo na baka ma late tayo" nakangiting sabi nila Steph sakin.
Napatingin ako kay Zhendra, nakaiwas ito ng tingin sakin. Napansin din nila Trisha at Steph na tinignan ko si Zhendra.
"Nga pala Saph, best of friends na namin si Zhendra" sabi ni Trisha sakin.
Ngumiti naman ako.
"At gusto ka din niya maging best of friend di ba Izza?" nakangiting sabi ni Steph.
Napayuko lang si Zhendra sa sinabi ni Steph.
"Kung gusto niya oo naman" nakangiting sagot ko.
"Talaga???" gulat na tanong ni Zhendra sakin.
Napatango lang ako saka ako ngumiti sa kanya. At saka ko siya niyakap. Yumakap na rin yung dalawa samin.
"From now on kasama ka na sa The Power Girls not powerpuff girls hihihi" sabi ni Steph.
Napakunot yung noo ko, saka kami naghiwa-hiwalay sa pagkakayakap.
"Anong the power girls?" takang tanong ko.
"Yun ang pangalan ng grupo natin hahaha" si Steph pa din.
"Bawas bawasan mo panonood ng cartoons Steph, at ikaw naman Saph ligo ka na para makapag breakfast na tayo kaw na lang hinihintay" nakangiting sabi ni Trisha.
Lumabas na si Zhendra, at sumunod na rin sina Trisha at Stephannie sa paglabas ng kwarto.
Napailing na lang ako saka pumasok sa loob ng cr.
~*~*~*~*~*~*
YOHANN JASRED DELA VEGA
Nasa dining area na kaming lima at hinihintay na lang namin yung mga girls bumaba para makapasok na sa school.
BINABASA MO ANG
ANGELS DEATH UNIVERSITY (SAPPHIRE & ELEAZAR) #Wattys 2016
Teen FictionAngels Death University... It's a typical stories... About school life,,, Kung paano makikisama ang isang SIMPLE girl... Sa mga ELITE... FAMOUS... POWERFUL... RICH student... Ng A.D.U At kung paano mababago ang kanyang buhay sa pagkakaroon ng mg...