SAPPHIRE CRYSTAL TORRES
Pagdating ko sa A.D.U napansin ko ang mga student na nasa may grounds at mga nagkakaingayan.
Imbes na pumunta ko dun, nagpatuloy ako sa paglalakad at dumiretso ako sa room ko.
"Bakit kaya bumalik si Sir Leonard?"
Huh? Sino kaya si Sir Leonard?
"Saph, ok ka na ba? Nabalitaan ko kasing muntik na daw kayong makidnap eh" salubong sakin ni Izza.
Hindi ko namalayang nasa room na pala ako.
"Ah, oo" nakangiting sagot ko.
Nilibot ko ang paningin ko, wala pa sila Steph at Trish. Umupo na ko sa seat ko. Maya maya nakarinig kami ng announcement kaya naman bumaba din kami ni Izza sa grounds.
Nasa quadrangle na kami nang may tumabi kay Izza, napalingon kami at napansin ko si Jygx.
"Good morning girls," bati ni Jygx samin.
"Aga mo ah?" bati din ni Izza.
Tinignan ko tong dalawang toh, parang may something?
"Bakit ganyan ka makatingin?" nakataas ang kilay na sita sakin ni Izza.
Napataas din ang kilay ko, saka ako napangisi.
"What's going the two of you? I mean is there something beetween the two of you?" tanong ko.
Napatingin silang dalawa sakin. Tapos nagtinginan sila at tumingin na naman sakin.
"Are you serious?" tanong ni Izza sakin.
Ngumiti ako saka tumango.
"Walang special samin, were best friend" sabi naman ni Jygx.
"Hahaha, really? I don't think so" nakangiting sabi ko.
Saka ko tinignan yung mga nasa stage.
"Good Morning all of the student in Angels Death University, Today is celebrating the 25th anniversary of the school and as part of this celebration were having a grand ball"
Nagpalakpakan naman ang mga student pero ako? Hindi, anung nakakatuwa sa party?
Napabuntong hininga ako ng sabihing pwede na kaming bumalik sa room namin.
"Pumasok ba sila Trish at Steph?" tanong sakin ni Chrys.
Kasabay ko na din sila maglakad pabalik ng school.
"Hindi ko pa alam eh, hindi ko pa sila nakikita" sabi ko.
"Shit, hindi ko pa rin siya makontak eh" inis namang sabi ni Sam.
"Malamang galit pa yun sa'yo" sabi ko naman.
Pagdating namin sa room, dumating na rin si Ms. Lucia.
"Class, tulad ng ina-announce kanina magkakaroon tayo ng party mamayang 6pm" sabi nito saka ipinasa nito ang invitation.
Nang ipasa nung nasa harap ko sakin yung invitation. Napakunot yung noo ko. Black pa rin???
Parang may kaparehas yung invitation ah? San ko na nga ba nakita yun???
"Andyan lahat ng information, walang mawawala sa inyo lalo na kayo" sabi ni Ma'am saka tumingin samin.
Nagtaas naman ako ng kamay.
"Yes, Ms.Torres?" tanong ni Ma'am Lucia.
"Ma'am sorry kung di po ako makakapunta dito, siguro naman po hindi po ito makakaapekto sa grade ko?" sabi ko naman.
BINABASA MO ANG
ANGELS DEATH UNIVERSITY (SAPPHIRE & ELEAZAR) #Wattys 2016
Teen FictionAngels Death University... It's a typical stories... About school life,,, Kung paano makikisama ang isang SIMPLE girl... Sa mga ELITE... FAMOUS... POWERFUL... RICH student... Ng A.D.U At kung paano mababago ang kanyang buhay sa pagkakaroon ng mg...