SAPPHIRE CRYSTAL TORRES
Monday pa lang pero, nagkukumahog na ako late na kasi ako nagising kanina eh, buti ginising ako ng mabait kong kapatid si Diamond Pearl.
"Ate, wag kang magsusungit dun sa A.D.U baka mapagtripan ka ng mga gangster dun eh" paalala ni Ceasar.
Kasabay ko kasi sila Kuya Topaz, Pearl at Ceasar.
Nauna na sila Mama at Papa sa mga trabaho nila.
"Don't worry, yakang yaka ko dun" nakangiting sabi ko saka ko ginulo yung buhok niya.
Tahimik lang si Kuya Topaz habang naglalakad kami, Maya maya nagpaalam na yung kambal samin. Walking distance lang kasi yung school ng kambal, grade 6 pa lang sila pero halata ng mga dalaga at binata.
Sumakay na rin kami ni Kuya ng jeep ng makarating kami sa terminal.
"Kuya, nag aalala ka pa rin ba?" tanong ko sa kanya.
"Nagtataka lang ako, bakit ka nakapasa dun sa A.D.U eh" seryosong sabi nito pero hindi naman sakin nakatingin.
"Grabe ka Kuya sakin, ano bang akala mo? Bobo ako? psh" sabi ko sa kanya.
Alam ko naman, nag aalala talaga si Kuya Topaz eh pero grabe, nakakasakit ng feelings ah anu ba akala niya sakin? walang utak?
Hindi ko na lang pinansin si Kuya, bumaba na lang ako ng jeep ng makita ko na ang gate ng A.D.U
~*~*~*~*~*
At school...
Syempre dahil bago lang ako sa school na ito, nagtanong muna ko sa guard, kaso ang sungit ni Manong guard psh.
Kaya eto, napilitan ako magpunta sa guidance.
"Ikaw, yung scholar noh?" tanong ni Ma'am Lucia.
Nakilala ko na siya nung mag take up ako ng exam dito.
"Opo Ma'am, itatanong ko lang po sana kung saan yung room ko?" magalang na sabi ko, nakangiti pa ko niyan.
Tumango lang ito saka inabot sakin ang isang map, isang schedule list, rules and regulations ng school at ang mga activity books at isang susi.
"Ano po itong susi na ito?" tanong ko.
"Susi yan ng locker room, Ms.Beautiful" nakangiting sagot ng isang lalaki sakin.
Napalingon ako sa nagsalita.
"Napaka pakialamero mo talaga Ellie, bakit andito ka na naman?" kunot noong sabi ni Ma'am Lucia sa lalaking singitero.
"Grabe ka ate, pakialamero agad? teka siya na ba yung scholar na nakapasok dito?" nakangiti pa ring sabi nito saka ako tinignan.
"Oo, tutal andito ka na rin lang at classmate naman kayo, ituro mo na sa kanya yung room niyo" sabi ni Ma'am Lucia.
Napakunot yung noo ko, saka ko tinignan yung lalaki na mayabang na nakaupo lang.
"Ah Ma'am, wag na po kaya ko na po sige po thanks" sabi ko, saka ko nagmamadaling lumabas.
BINABASA MO ANG
ANGELS DEATH UNIVERSITY (SAPPHIRE & ELEAZAR) #Wattys 2016
Novela JuvenilAngels Death University... It's a typical stories... About school life,,, Kung paano makikisama ang isang SIMPLE girl... Sa mga ELITE... FAMOUS... POWERFUL... RICH student... Ng A.D.U At kung paano mababago ang kanyang buhay sa pagkakaroon ng mg...