CHAPTER 38

176 7 0
                                    

ZHENDRA BRIZA PACA

Napabuntong hininga ako, eto na nga makikilala ko na yung lalaking magiging fiancé ko.

Naalala ko ng tumawag kanina sakin si Jygx, gustuhin ko mang pumayag na siya ang maging escort ko mamaya sa party kaya lang, sinabi nila dad na yung fiancé ko ang magiging escort ko.

Si Jygx, simula ng araw na magkasama kami at maging close ko sila, nakilala ko na rin siya madami pala kaming mga compatibility at nalaman kong hindi pala siya boring kasama.

Napapansin ko rin, na balewala na sakin si Yohan kapag andyan na si Jygx. Hay... alam ko si Yohan ang mahal ko, o iniisip ko nga lang kaya iyon?

"Baby, ready ka na?" nakangiting sabi ng Mommy niya.

"Dapat pa ba akong mag ready?" nakataas ang kilay na sabi ko.

Sorry, pero kung ganyan naman ang gagawin sa'yo ng mga magulang mo baka mawalan ka rin ng galang.

Napailing na lang sakin si Mommy. Sumunod na rin ako sa kanila at dumiretso na kami sa function hall kung saan gaganapin ang engagement party ko.

Pagdating namin dun nasa stage na ang lalaking mapapangasawa ko at ang pamilya nito. Ganun na lang ang pagkabigla ko ng makita ko kung sino yung lalaking nasa stage.

"Jygx?" sabi ko.

Napatingin din sakin si Jygx, at nakita kong nagulat din siya tulad ko.

"Izza?, a-anong g-ginagawa mo d-dito?" nauutal na tanong nito.

Lalo akong napakunot noo sa tanong niya.

"Ikaw, anong ginagawa mo dito? supposed to be engagement party ko toh, invited ka ba?" tanong ko din sa kanya.

Umiling ito.

"Hindi ako invited dito, ok? Engagement party ko din dito eh" sabi nito saka yumuko.

Nagulat ako sa sinabi niya.

Kung ganoon, may fiancé na siya??? Pero bakit wala naman akong nabalitaang nililigawan niya? O kahit gf man lang wala tapos may fiancé na siya???

Mas nagulat ako sa nararamdaman ko, bakit nasasaktan ako? parang pinipiga yung puso ko.

Napatingin ako kay Jygx. Saka pilit na ngumiti, akala ko... kaya kong sundin ang parents ko... pero hindi pala, at itong lalaking nasa harap ko??? Bakit??? Bakit kailangan kong masaktan?

"Izza!" narinig kong sigaw ni Bryze.

Napalingon ako sa kanila.

Kaya lang nakita ko si Jygx na hinila na ako at tumakbo kami, saan ba kami pupunta?

Napansin ko yung van sa harap namin. At sumakay na kami dun, pagsakay namin saka ko lang nakita yung mga kasama namin.

"Wow, kumpleto pala ang gang natin ah?" sabi ko na lang.

"Bakit naka ganyan kayo? Kasal niyo na ba?" tanong naman ni Sapphire.

Napatingin ako sa suot ko. Bigla akong namula.

"Hindi, supposed to be engagement party naming dalawa buti na lang dumating na kayo nailigtas niyo kami sa arrange marriage na iyon" nakangising sabi ni Jygx.

Napakunot yung noo ko sa narinig ko.

Saka ko nilingon si Jygx. I though yung magiging fiancé niya eh gf niya.

"Akala ko, gf mo yung magiging fiancé mo?" tanong ko sa kanya.

Umiling ito saka ngumiti sakin.

ANGELS DEATH UNIVERSITY (SAPPHIRE & ELEAZAR) #Wattys 2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon