Trisha Amirah & Jhon Chrysler stories
TRISHA AMIRAH CABRERA
Nakabalik na kami dito nila Steph, at Izza sa A.D.U after makuha si Sapphire ng lolo nito.
Maging kami rin nila Chrys kinuha ng lolo ni Saph, nung mga time na hinahanap ng mga ito sila Sapphire.
Isang taon na rin ng umalis ang pamilya ni Sapphire at kunin ang mga ito ni king Alexander.
"Mhine, nagreview ka na ba para mamaya sa finals?" pukaw sakin ni Chrys.
Napalingon ako dito. Finals na naman pala, infairness nakapasa naman kaming lahat nung first year kahit 8months kaming hindi pumasok, malamang kami may ari ng school, pero hindi ibig sabihin na kami ang may ari kaya kami nakapasa kumuha kasi kami ng exam at ayun naipasa naman namin yun.
Balita ko nga maging si Sapphire, kumuha dito ng exam pero hindi namin siya nakita.
At si Ellie? Alam kong nakapasa din iyon, pero ang nakakapagtaka after naming malaman na isinuko niya si Saph sa lolo nito, ni hindi na namin siya nakita pa.
Kahit ang pinsan nitong si Yohan, sinasabing wala na si Ellie sa bahay nila. Asan na kaya siya?
"Mhine? Earth calling... Mhine" parang tangang sabi ni Chrys.
Napailing ako sa kanya. Biruin niyo after ng sinagot ko siya, walang oras at araw na hindi niya ko niligawan.
"Kamusta na kaya si Saph? Naaalala niya pa kaya tayo?" tanong ko.
Lumingon din ako kay Chrys. Napailing na lang ito.
"Sabi na iniisip mo na naman siya, tingin ko naman ok lang siya, pero sana magpakita na rin satin si Ellie, miss ko na din yung gagong yun eh" malungkot na sabi nito.
Kahit naman galit kami kay Ellie, hindi maipagkakailang miss na rin siya ng iba.
"Hoy! Kayong dalawa? Hindi kayo mag eexam?" sigaw ni Sam samin.
Parehas kaming napalingon sa kanya. Nakita naming nakaakbay si Sam kay Steph, nasa likod nito sila Jygx at Izza na parang nagkakailangan naman.
"Tara na Mhine," nakangiting sabi ni Chrys saka tumayo.
Tumayo na rin ako at saka ako hinawakan nito sa kamay.
~*~*~*~*~*~*
Dahil nakapasa na naman kami sa exam, ngayon ay 3rd yr. na kami at the same time going strong pa rin kami ni Mhine. Well, minsan nag aaway talaga kami, pero hindi ganoon kalala.
Hindi tulad nila Sam at Steph.
Nakita ko si Steph na nakasimangot na naman habang palapit sakin. Tumabi ito sakin, at umupo,andito kasi ako sa may garden ng A.D.U madalas na akong tumambay dito after naming makabalik dito.
"Problema mo?" tanong ko.
"Kabwiset na Samboy yun, napaka landi niya talagang gago siya!" inis na sabi nito.
"Bakit ano bang ginawa niya?" tanong ko.
Grabe, parang hindi na nag matured etong dalawang toh'.
"Kung mag pa-cute sa lady guard dyan sa may gate, ganun na lang alam kong sikat pa rin sila kahit na nga ba hindi pa bumabalik yung Gagong Ellie na iyon" inis pa ring sabi nito.
Bakas pa rin ang galit ni Steph kay Ellie. Hay... kahit naman ako, nakakaramdam pa rin ng galit sa ginawa niya eh, kung hindi niya binigay si Saph sana nandito pa sila kasama namin. Pero alam kong may matinding dahilan si Ellie.
BINABASA MO ANG
ANGELS DEATH UNIVERSITY (SAPPHIRE & ELEAZAR) #Wattys 2016
Roman pour AdolescentsAngels Death University... It's a typical stories... About school life,,, Kung paano makikisama ang isang SIMPLE girl... Sa mga ELITE... FAMOUS... POWERFUL... RICH student... Ng A.D.U At kung paano mababago ang kanyang buhay sa pagkakaroon ng mg...