CHAPTER 8

272 14 0
                                    

ZHENDRA BRIZA PACA

Hay... nalasing pala ako kagabi, bakit nga ba ako uminom???

Naalala ko na naman yung sinabi ni Kuya Bryze.

"Zhendra, this month Mom and I was going back there, and make sure you'll break up with Eleazar that time"

"Huh??? Why Bryze?" inis na tanong ko.

Ayoko man ng inuutusan, kuya ko pa rin naman siya. Hay... naaalala lang naman ako ng pamilya ko pag ganyang may iuutos sila o may hihilingin sila sakin.

"Because your getting married soon" saka nito inend yung call.

Hay... ang hirap ng buhay ko. Mas masaya sana kung di na lang ako naging mayaman.

Napabuntong hininga na naman ako, hindi ko naman talaga mahal si Ellie eh, pinakiusapan lang ako ng manager ko na magpanggap na maging sweet sa lalaking yun.

Dahil, nakita niya na marami ang fans na may gusto sa tandem namin.

Naghanda na ko sa pagpasok sa A.D.U maiinis na naman ako sa mga tao dun. Nakadagdag pa lalo sa inis ko yung scholar girl na yun, psh... paawa effect pa kay Yohann -_-

Si Yohann, na kahit kailan kontrabida ang tingin sakin, naiinis ako sa lalaking yun, bakit ba hindi niya ko makita??? Oo na, gusto ko siya, kaya ako nagpapapansin minsan sa kanya kaya lang wa epek hmp.

Parang ang tipo niya yung mga babaeng api apihan eh, katulad ng Lady na yun na user bakit ko nasabi? Narinig ko siya at yung captain ng basketball ng A.D.U alam kong maraming galit kina Yohann. Pinagplanuhan nila na paibigin si Yohann para daw makaganti ito sa magkakaibigan, gusto ko mang sabihin kina Ellie alam kong walang maniniwala sakin kaya, binully ko yung Lady na yun kaya lang sa mga ginawa ko lalong nagkalapit ang Lady na yun at si Yohann.

Pasakay na ko ng kotse ko, ng mapansin ko ang isang black jaguar sa harap ng gate ng mansion ko.

Oo, akin lang di ko naman na kasama dito sa bahay sina Mommy at Daddy pati si Bryze kasi may mga sarili kaming bahay.

Lumapit ako sa gate, at nakita ko si Jygx na nakaupo sa hood ng black jaguar nito.

Napakunot yung noo ko, pansin ko lang gwapo din naman ito eh, ok, ok lahat sila gwapo... kaso iba iba yung term ng pagka gwapo nila.

Si Ellie kasi gwapo yun pero masungit ang dating nun laging nambubully parang version ko ganun.

Si Chrys naman tama lang pagka gwapo nun, minsan serious minsan naman makulit.

Si Sam yun ang pinaka bolero at troll sa kanila pero gwapong troll??? Siguro siya yun.

Yung mahal ko naman na si Yohann siya ang gwapong cute na may pagka boyish look.

Pero ang isang ito??? The great Jygx na mysterious look at super suplado, he's so hot. Napalunok ako, saka napataas yung kilay ko. Tsk si Yohann lang ang hot para sakin.psh -_-

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

Siguro inutusan na naman ito nung Ellie na iyon hmp

"Dinalan kita nito" sabi nito, saka inabot sakin yung isang naka paper bag.

"Sumabay ka na sakin sa school, pasasalamat mo na yun sa pang iistorbo sakin kagabi" sabi pa nito.

May kayabangan talaga tong taglay eh psh.

Lumabas na ko ng gate, saka ko sumakay sa kotse niya. Tama naman siya naistorbo ko siya. Tinignan ko yung laman ng paper bag. Isang noodles pala yun kaya pala mainit eh.

ANGELS DEATH UNIVERSITY (SAPPHIRE & ELEAZAR) #Wattys 2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon