CHAPTER 17

200 15 1
                                    

ELEAZAR KHEAN DELA VEGA

"Yhan...lakasan mo pa yung tulak sakin...ang sarap talaga mag duyan" humahalakhak na sabi nung batang babae.

Sino kaya siya?

Nakita ko yung sarili ko nung 9yrs.old pa lang ako.

"Ayoko..." nakangiting sabi ko dun sa batang babae na tinutulak ko sa duyan.

"Bakit naman???" tanong ng batang babae.

"Kasi hindi pa kita masasalo sa ngayon, pero pag malaki na tayo itutulak kita ng malakas para mahulog ka man masasalo na kita kasi malaki na yung katawan ko nun" nakangiting sabi ko dun sa batang babae.

"Hindi na siguro darating ang araw na iyon" malungkot na ngumiti yung batang babae.

"Crys," sabi ko dun sa batang babae.

Pinagpapawisan ako ng magising ako.

"Ellie?!" narinig kong sigaw sa pangalan ko.

Sapo ko pa yung mukha kong tinamaan ata ng ewan ko kung ano eh, sobra kasing sakit.

Teka anu bang nangyari??? Saka ko nilibot yung paningin ko, nasa kwarto na ako, pero di ko alam kung kanino ito kasi malamang hindi ganito yung kwarto ko sa mansyon ko.

"Anong nangyari? nasaan ako?" tanong ko.

"Yun nga sana ang itatanong namin sa inyo ni Saph eh," sabi naman ni Chrys.

Huh???

"Pagdating kasi namin dun sa playground parehas kayong nakahiga sa damuhan, tell me? Ano bang nagyari at dun ata kayo natulog?" si Yohann yan.

Playground??? Damuhan??? Nilibot ko yung paningin ko, kumpleto naman sila... maliban lang sa mga babae.

"Kung sina Sapphire ang hinahanap mo nasa room na nilang mga girls, kayo talagang dalawa oo, sino pala nakaaway mo?" usisa naman ni Jygx

Teka... hindi ko talaga sila maintindihan eh, anu bang nangyari samin sa playground??? Iniisip ko yung mga nangyari samin ni Sapphire.

"Ah, oo naalala ko na, may tatlong panget na lalaki ang nakapalibot kay Sapphire pagdating ko sa play ground---" sabi ko.

"Malamang nagpaka knight in shining armour ka din sa kanya noh?" nakangising singit ni Sam.

Napakunot yung noo ko. Saka ako napabuntong hininga.

"Buti nga sana kung ganun yung nangyari eh" sabi ko naman sa kanila, saka ako nag iwas ng tingin.

"Ah, siguro may ibang lalaking nagtanggol kay Sapphire noh? Kaya ganyan itsura mo hahaha" si Chrys naman.

Tinignan ko ng masama si Chrys. Psh -_-

"Hehehe kayo naman di mabiro oh, ang seseryoso niyo" biglang bawi ni Chrys saka nag peace sign sakin.

Ang bakla talaga nito ni Chrys. Psh

"Anu ba kasing nangyari?" tanong naman ni Jygx.

"Nilabanan ni Sapphire yung mga lalaking nagtangkang galawin siya, paglapit ko nagsitakbuhan na yung mga ungas tapos nung nilapitan ko si Sapphire bigla niya kong sinuntok yun tas di ko na maalala" kwento ko.

"Ah... yun pala ang nangyari" si Yohann.

"Ah... nasuntok ka pala" sabi naman ni Chrys.

"Ah... malamang masakit yun, natulog ka eh tas nag ka black eye ka pa" sabi ni Jygx.

"Ah...---" Sam.

ANGELS DEATH UNIVERSITY (SAPPHIRE & ELEAZAR) #Wattys 2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon