SAPPHIRE CRYSTAL TORRES
Nakatapos na rin ako sa trabaho ko. Kasalukuyan na akong nakabihis at ready na umuwi, napansin kong tumayo na rin sina Trish at Steph.
Ang tindi rin ng dalawang toh' talagang tumambay pa para lang makasabay ako pag uwi.
"Nakausap mo na ba si Samboy mo?" usisa ko kay Steph.
Lalo lang itong napasimangot.
"I swear, hindi ko na siya sasagutin kainis na lalaking yun hmp!" sabi naman ni Steph.
Napailing na lang kami ni Trisha sa kanya.
"Pakipot ka pa kasi eh, hahaha ayan tuloy wala ka pang karapatan sa kanya" pang aasar naman ni Trish.
"Nagsalita!, bakit kaya ikaw di mo sagutin si Chrys?" nakasimangot naman na sabi ni Steph.
"Bakit ko naman sasagutin yung kumag na iyon? Di naman yun nanliligaw?" sabi naman nito.
Napailing na lang ako sa kanilang dalawa. Ang kukulit nila grabe.
Nagulat kami ng may humintong van sa tabi namin, at may mga naka bonnet na lalaking lumabas sa van.
"Walang kikilos ng masama, sumama na lang kayo samin para di kayo masaktan" sabi nung lalaking nasa tabi ko.
Napansin kong nasa tabi na rin nila Trisha at Steph yung dalawa pang lalaki.
Kinakabahan na ako, pero kailangan kong maging matapang. Nag iisip na ako ng paraan kung paano lalaban sa mga mukhang goons na ito ng makarinig kami ng mga putok ng baril, kaya napaupo na lang kaming tatlo nila Trish.
Napansin ko yung katabi kong goons kanina nakahiga na sa tabi ko, sa takot ko napasiksik ako kina Steph at Trish.
"Waaa... ayaw ko na, ayaw ko pang mamatay huhuhu" umiiyak na sabi ni Steph.
"Steph! ok lang ba kayo?" biglang tawag nung lalaking nasa harap na pala namin.
"Sam? Samboy ko?" gulat na tanong ni Steph, napatingin kami sa paligid namin.
Wala na yung van, at may tatlong goons na nakahiga sa malapit samin.
"Trish, may masakit ba sayo?" tanong naman ni Chrys ng makalapit ang mga ito samin.
"O-ok lang" nanginginig na sabi ni Trish.
"Saph, ikaw ok ka lang din ba?" tanong sakin ni Yohan.
Napatango na lang ako, saka ko nilibot yung paningin ko.
"Kung si Ellie yung hinahanap mo, ewan namin kung san nagpunta" sabi naman ni Jygx.
Napakunot yung noo ko sa sinabi niya.
Bakit ko naman hahanapin yung Ellie na yun??? Tsk asa naman noh.
"Hatid na namin kayo, gabi na kasi naglalakad pa kayo kababae niyong tao eh" sita samin ni Sam.
Napatingin kami ni Trish kay Steph, kanina niya pa pala tinatawagan itong manliligaw niya di ba???
"Anong sabi mo?!" nagtitimping tanong ni Steph.
"Ang sabi ko hahatid na namin kayo, mukhang nabingi ka na ata hahaha" sabi naman ni Sam.
Napangiwi kami dahil sa itsura ni Steph.
Naku, patay kang Samboy ka, lakas mo pa mang asar.
"Ang kapal ng mukha mo!" galit na sigaw ni Steph at walang anu ano'y sinugod nito si Sam mula sa likuran saka sinakyan at kinagat yung tenga nito.
BINABASA MO ANG
ANGELS DEATH UNIVERSITY (SAPPHIRE & ELEAZAR) #Wattys 2016
Novela JuvenilAngels Death University... It's a typical stories... About school life,,, Kung paano makikisama ang isang SIMPLE girl... Sa mga ELITE... FAMOUS... POWERFUL... RICH student... Ng A.D.U At kung paano mababago ang kanyang buhay sa pagkakaroon ng mg...