CHAPTER 25

199 10 0
                                    

SAPPHIRE CRYSTAL TORRES

At dahil naaawa na ako kay Sam, baka magpakamatay na (joke hahaha) eto at tutulungan ko siya.

Hindi naman porket pinapalayo ako ni kuya Topz kina Trisha susundin ko na siya. Besides, wala akong nakikitang mali para lumayo ako sa kanila.

Naisip kong magandang place yung bueno bakeshop sa pag uusap at pagpo-propose na gagawin ni Sam kay Steph, kaya kinausap ko si Sam para ipagpaalam iyon sa mama niya, nakakahiya naman kung ako yung magpapaalam, bukod sa di pa ko nakaka pag start dun di ko naman close mama niya.

Nasa school na ako at kasama ko sina Zhendra, Trisha at Stephannie.

Buti at wala yung the Kings pero nakakapanibago kasi absent sila, sabi nila Trisha sakin kahapon pa raw absent ang mga yun inaasikaso daw kasi ang banda nila.

Nag ring naman ang phone ko, kaya nilabas ko yung phone ko nasa cafeteria kasi kaming apat at breaktime na.

"Hello,"

[Ok na nasabi ko na kay Mama, ano ng plano?] sabi ni Sam sakin ng sagutin ko ang tawag niya.

"Wait lang ah?" sabi ko kina Trish, saka lumabas ng cafeteria.

[Ano?]

"Hindi ikaw, sina Trisha nagpaalam akong lumabas ayun, asan na nga tayo?" tanong ko.

[malamang andyan ka sa skul at ako eto, nasa studio] sagot pa nito.

"Whatever Sam, sabihin mo lang kung ayaw mo na mag propose at ng itigil na natin ito" sabi ko naman.

[Hehehe... ikaw naman di ka na mabiro oh, ano ng sunod na plano?] napailing na lang ako, kahit kailan talaga puro siya biro.

"Sana lang mamaya wag kang magbiro sa kanya at mag seryoso ka" sabi ko sa kanya.

[Opo boss,]

"Maghintay ka lang doon mamaya sa Bueno Bakeshop ako ng bahala sa iba pa" sabi ko na lang sa kanya saka inend call ko na.

"Tinutulungan mo si Sam kay Steph?" biglang tanong sakin ng nasa likuran ko.

Nagulat ako sa kanya, alam ko kasing wala sila eh.

"Anong ginagawa mo dito? sabi ni Sam nasa studio kayo" sabi ko saka ko siya hinarap.

"Sino ka ba talaga Sapphire Crystal Torres? Bakit ganito ang nararamdaman ko sa'yo? Unang kita ko pa lang sa'yo bumilis na ang tibok ng puso ko" sabi naman niya.

Napataas lang ang kilay ko sa sinabi niya. Wala akong time sa mga taong tulad niya, kaya naisip kong umalis na.

"Tandaan mo ito... aalamin ko kung sino ka, at kung bakit ganito ang nararamdaman ko sa'yo" sabi pa rin nito pagkapigil niya sakin sa braso ko.

Binawi ko naman ang braso ko sa kanya saka siya hinarap.

"Wala akong naiintindihan sa sinasabi mo Mr.Dela Vega, at wala akong pakialam sa gusto mong gawin sa buhay mo so kung pwede? Leave me alone ok???" mataray na sabi ko.

"Tsk... sabi ko na kunwari lang ang pagiging prim and proper mo at isa ka talagang tigreng amasona na nagtatago sa mukha mong mala anghel" sabi pa nito.

Lalong napataas ang kilay ko sa narinig ko.

"And so what??? I dont care kung ano ang tingin mo sakin, so better back off ng wala tayong maging problemang dalawa" sabi ko saka tuluyang umalis.

Pagdating ko sa loob ng cafeteria, napansin ko sina Trisha, Steph at Izza na busy sa kanilang mga netbook. Malamang nag faface book sila. Uso na naman yun ngayon eh.

ANGELS DEATH UNIVERSITY (SAPPHIRE & ELEAZAR) #Wattys 2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon