JHON CHRYSLER TORMIS
Narinig ko na bz na naman yung scholar girl na yun.
Pansin ko lang after school talaga, lagi niyang line kina Trisha at Steph pag niyayaya siya bz.
Napatingin ako kay Sam, kanina pag pasok namin mukha siyang malungkot anu kayang nangyari kagabi sa kanila ni Steph.
Eto namang katabi ko, di na naman ako pinapansin tsk. May ginawa ba ko kagabi sa kanya?
Napabuntong hininga ko, kailangan ko muna malaman kung anu pinagkakabisihan nitong scholar girl na ito.
Tumayo ako saka ko sinenyasan si Sam na umupo sa tabi ni Jygx, sumunod naman ito. Si Ellie bz sa pagtulog yaan mo siya, Si Yohann bz sa pagpapa cute kay Sapphire.
Wala pa naman kasi yung prof. namin.
"Problema mo?" tanong ni Sam sakin.
"Samahan niyo ko mamaya" sabi ko.
Napakunot yung noo ni Jygx sakin.
"Bz ako," sabi pa nito saka ako tinulugan.
Napailing na lang ako.
"Ikaw Sam?" tanong ko.
"Geh, pero samahan mo rin ako maya sa bar" sabi nito saka bumalik na sa upuan nito.
Mukhang problemado talaga yung mokong oh.
~*~*~*~*~*~*
Uwian na...
Hinihintay ko na lang si Sam, pinauna niya kasi ko dito sa sasakyan ko. Oo yung sasakyan ko naman ang gagamitin namin.
Nandito na ko sa labas ng A.D.U, dito ko na lang siya hinintay. Nang makita ko na si Sam, napansin ko din si Jygx sa likuran niya.
Akala ko ba bz toh?
"Oh, akala ko bz ka?" tanong ko kay Jygx.
"Na cancel eh, san ba punta mo?" tanong din nito.
Napatingin ako sa unahan saka ko nakita si Sapphire na pasakay ng jeep.
Yah, ang plano ko susundan ko siya para malaman kung anu yung pinagkakaabalahan niya.
"Teka, di ba si Scholar girl yung sumakay ng jeep?" si Sam.
"Yup, at susundan natin siya, para malaman ko kung bakit lagi siyang bz" sabi ko sa kanilang dalawa.
"Eh sino yung isang babaeng sumakay ng taxi? Mukhang sinusundan din niya si Sapphire" sabi pa ni Sam.
Napakunot yung noo ko, saka ko tinignan yung taxi na sinakyan nung sinasabi ni Sam.
Nagpahuli kami sa jeep at sa taxi mga dalawang sasakyan lang naman ang pagitan, Maya-maya napansin ko na bumaba na si Sapphire sa tapat ng isang food chain.
Nakita din namin ng bumaba yung babae na nasa taxi. Oo nga sinusundan niya si Sapphire sino kaya siya?
Bumaba na rin kami sa sasakyan, at saka pumasok sa loob. Isa palang food chain toh, nakita namin yung babae nakapila na, ginala ko yung paningin ko para hanapin si Sapphire.
At nakita ko siya sa counter habang inaasikaso yung babaeng sumunod sa kanya kanina.
Sinundan ko ng tingin yung babae, kahina hinala rin kasi siya eh, napansin ko si Jygx na papunta dun sa babae.
"Tingin mo kilala ni Jygx yung babaeng sumusunod kay Sapphire?" takang tanong ni Sam sakin.
Wala din akong alam kaya tinapik ko siya sa balikat, saka kami sumunod kay Jygx.
BINABASA MO ANG
ANGELS DEATH UNIVERSITY (SAPPHIRE & ELEAZAR) #Wattys 2016
Teen FictionAngels Death University... It's a typical stories... About school life,,, Kung paano makikisama ang isang SIMPLE girl... Sa mga ELITE... FAMOUS... POWERFUL... RICH student... Ng A.D.U At kung paano mababago ang kanyang buhay sa pagkakaroon ng mg...