CHAPTER 5

337 17 0
                                    

SAPPHIRE CRYSTAL TORRES

Kalalabas ko lang sa school, at nagmamadali akong pumara ng jeep, sinipat ko yung oras sa cp ko, 12:30 na may 30 minutes pa ko para di malate sa fast food na pinagta trabahuhan ko.

Natagalan kasi ko kanina paglabas eh, kinukulit kasi ako nila Trisha.

Narinig ko yung pagtunog ng cp ko.

"Crystal asan ka na?" tanong ni Prince sakin.

Kasama ko din siya sa trabaho.

"On the way na ko, bakit?"

"Wala hehehe, sabi naman kasi sa'yo sunduin na kita eh," hay naku ayan na naman siya -_-

"Sige, maya na lang Prince pababa na ko" sabi ko.

Ang kulit kasi niya, sinabi ko ng ayaw ko magpaligaw muna dahil gusto ko mag concentrate sa pagtulong sa family ko, saka di ko nararamdaman na gusto ko siya bestfriend lang talaga tingin ko sa kanya, at alam naman niya iyon.

Kaya lang after niya magtapat sakin, parang naiilang na tuloy ako sa kanya.

Pagbaba ko sa tapat ng mall, nagmamadali na kong pumunta sa fastfood.

"Buti andito ka na, kanina ka pa tinatanong ni Sir Jerich" salubong ni Ray sakin.

"Sorry, na traffic eh, hehehe" sabi ko, saka dumiretso na ko sa locker room ko para magpalit ng uniform.

"Mag cashier ka muna daw ngayon, sabi ni Sir Jerich si Elise kasi absent daw" ah kaya pala.

Pumunta na ko sa post ko saka ako ngumiti sa costumer ko.

"Good afternoon Ma'am," bati ko.

Ngumiti lang naman ito sakin.

"Isang cookies and cream mix in and large fries"

"Ok, isang cookies and cream mix in and large fries, 70 pesos po lahat"

"I'll receive 100pesos... your change ma'am" nakangiting sabi ko, saka ko inasikaso yung order niya.

~*~*~*~*~*~*

After ng ilang oras kong duty sa fast food na pinagtatrabahuhan ko, eto at nag break muna ako, kanina pa kasi ako di kumakain, lunch pa lang sakin toh' kahit na hapon na, past 5 na kasi.

"Nagpalipas ka na naman ng gutom?" sabi ni Cess sakin.

Sina Ray, Cess at Prince ang mga best of friends ko. At kasama ko dito sa fast food.

"Kailangan ko mag sipag eh, hehehe alam niyo na gusto ko makatulong kina Mama" nakangiting sabi ko saka uminom ng tubig.

"Pwede naman iyon, pero sana wag mo pabayaan sarili mo, tignan mo oh pumapayat ka na, baka sa sunod niyan magkasakit ka na niyan" sermon naman ni Ray.

"Grabe, hapit lang sched ko kasi nag aaral na ko, di tulad nung bakasyon may time pa ko sa paggala, eh ngayon? Sa umaga school time sa hapon work naman, buti nga eh mabait si Sir Jerich inayon niya sa sched. Ng school ko yung sched. ko dito sa fast food" sabi ko pa.

"Eto, pa kainin mo na yan ah?" sabi naman ni Prince at nilagyan ng kanin at ulam ulit yung pinggan ko.

"Nga pala guys, nagpasa ko ng resumé dun sa Bueno Bakeshop" sabi ni Cess samin.

Napakunot yung noo ko, bakit di ko alam yun???

"Nakapasà ka ba?" tanong ni Ray.

"Interview ko pa lang bukas, mag pasa din kayo para magkasama sama ulit tayo" nakangiting sabi ni Cess.

ANGELS DEATH UNIVERSITY (SAPPHIRE & ELEAZAR) #Wattys 2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon