CHAPTER 36

179 7 2
                                    

ZHENDRA BRIZA PACA

Shit! Bakit? Bakit ngayon pa i a-announce nila Bryze yun?

Nagmamadali akong pumunta sa kotse ko, maya maya napansin ko yung tatlong kaibigan ni Saph na nasa tabi ng kotse ko.

"Zhendra, mabuti naman at nakita ka na namin" sabi ni Ray sakin.

Napakunot yung noo ko.

"Kailangan mong sumama samin" sabi naman ni Prince.

"Sorry guys, pero hindi pwede may mas importante akong kailangan puntahan" sabi ko saka lumapit sa kotse ko.

"Pls. Kailangan ka ng mga kaibigan mo" sabi naman ni Cess.

Napabuntong hininga ako.

"Sorry talaga, mas importante ito kesa sa mga kaibigan ko" sabi ko sa kanila.

Saka ako nagmamadaling sumakay sa kotse ko. Nagulat ako ng sumakay din silang tatlo sa kotse ko.

"Zhendra, makinig ka samin" sabi ni Cess.

Nakatutok lang yung paningin ko sa daan. Halos paliparin ko na rin yung kotse ko para lang makauwi agad.

Kailangan ko makausap si Bryze. Di ko akalaing nandito na pala siya? Tsk...

"Zhendra si Sapphire kailangan niyo siyang protektahan!" sigaw ni Ray.

Napatapak naman ako sa preno ko, at muntik na kaming ma aksidente.

Napalingon ako sa kanila. Ano bang sinasabi ng mga ito.

"Kagabi, yung mga gustong dumukot kina Sapphire mga tauhan sila ng lolo ni Sapphire" sabi ni Prince.

Napakunot naman yung noo ko sa sinasabi niya.

"I'm sorry guys, mamaya na lang kailangan kasi akong makausap ng family ko" sabi ko sa kanila.

Napabuntong hininga sila. Saka tumango, nagpatuloy na ako sa pag d drive ko.

Ilang oras lang nasa mansiyon ko na ako. Nagmamadali akong bumaba at pumasok sa loob ng mansyon ko.

Pagdating ko sa loob napansin ko na agad sila Mommy at Daddy maging si Bryze.

"Guys, what is it this time?" tanong ko.

"Baby, kamusta ang school mo?" nakangiting tanong ni Daddy sakin.

Napailing ako. I know, mga pasakalye nila. Umupo ako sa sofa ko na kaharap nila saka mataman silang tinignan.

"Like I've said, aatend ka sa engagement mo" sabi ni Bryze.

Alam ko naman na ipapakasal nila ako pero ang hindi ko maintindihan ay kung kanino? At bakit sila nagmamadali?

"Sorry baby, kung hindi si Eleazar ang makakatuluyan mo" sabi ni Mommy sakin.

"Mom, hindi ko naman mahal si Eleazar, I mean were in a relationship before, but i never love him, but... hindi ko sinasabing ok lang sakin ang arrange marriage na ito, I mean sino bang sira ulo ang papayag na ma-arrange marriage?" Inis na tanong ko sa kanila.

"Kung ganoon, tama pala si Kheanna hindi niyo mahal ni Eleazar ang isa't isa?" si Daddy naman.

Napabuntong hininga ako, Hindi pala alam ng family ko na pinalabas lang naming magkasintahan kami sa public, para mag boom ang mga career namin.

"Mamaya, makikilala mo na ang fiancé mo, sa ngayon mag beauty rest ka na muna" sabi ni Bryze saka umalis na sa harap ko.

Ngumiti lang si Daddy sakin.

ANGELS DEATH UNIVERSITY (SAPPHIRE & ELEAZAR) #Wattys 2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon