CHAPTER 10

261 14 0
                                    

SAPPHIRE CRYSTAL TORRES

Pauwi na ko after ng nakakapagod na trabaho kanina sa J, nauna na kasi sila Ray, Cess at Prince umuwi kasi closing ako ngayon.

Kanina ko pa iniisip kung paanong, nakita ako nina Sam at Chrys dun??? Samantalang halatang first time nila yun.

Hindi kaya sinundan nila ako??? O baka nga nagkataon lang?

Naalala ko yung sinabi niya kanina, na tinatago ko yung trabaho ko, hindi ko naman tinatago na working student ako nagulat lang ako sa kanila.

Habang naglalakad ako, bigla akong nakaramdam ng may sumusunod sakin, napalingon naman ako sa likuran ko, pero wala naman akong nakita.

Gabi na kasi, nakakaramdam na rin ako ng takot, psh... dapat kasi sumabay na ko kanina kina Jerich eh, naiinis ako andun kasi si Elise kaya di na ko sumabay.

Naglakad muli ako, at nagdasal na sana makauwi ako ng ligtas, mas binilisan ko na ang mga hakbang ko.

Nagulat ako ng makarinig ako ng busina sa tabi ko. Nilingon ko ang walang pusong bumubusina na iyon, sila Sam at Chrys pala.

"Gabi na, ngayon ka pa lang uuwi? Sumabay ka na samin" sabi ni Chrys.

"Ah, wag na, malapit na rin naman yung terminal ng jeep eh, salamat na lang" tanggi ko.

Oo, kilala ko sila, kasi sikat sila eh, at kahit pa mga classmate ko sila di pa rin ako magtitiwala sa kanila.

"Sure ka? Mukhang madalang pa naman ang mga jeep sa terminal, past 9 na kaya baka mamaya may snatcher pa dyan" sabi naman ni Sam

"Or worse, baka may rapist kang makasalubong ayaw mo pa din?" dagdag ni Chrys.

Bigla kong naalala yung feeling ko na may sumusunod sakin kanina.

"Ok, ok sasabay na ko sa inyo" sabi ko.

Lumabas naman si Sam sa sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto sa may likod. Saka siya sumakay ulit. Gentleman pala toh???

"Nga pla Sapphire, pwede ba kami humingi ng favor sa'yo?" tanong ni Chrys, habang nagmamaneho.

Napakunot yung noo ko, sabi na nga ba eh, may kapalit tong pakiki ride ko sa kanila eh -_-

"Anu naman yun? Teka kung magpapabayad kayo, dahil sinakay niyo ko, babaan niyo lang ah? Wala pa yung sweldo ko eh" sabi ko sa kanila.

Nagtawanan naman sila Sam at Chrys. Anong nakakatawa??? -_-

"Hindi iyon, magpapatulong sana kami eh," sabi ni Chrys ulit.

"Tulong???anong klase namang tulong ang kailangan niyo?" takang tanong ko.

"Gusto kasi namin na maging close ulit samin sila Stephannie at Trisha, alam ko naman miss na rin sila nina Ellie, Jygx at Yohann" sabi naman ni Sam.

Napakunot yung noo ko sa narinig ko. Close pala sila??? Di kasi halata sa school eh.

"Try ko, hmmm teka... nag effort na ba kayong lumapit sa kanila?" tanong ko.

"Oo, ginawa na namin yan nung isang gabi lang ewan ko kung anong nangyari dito kina Sam." sabi ni Chrys.

"Wala namang nangyari noh, grabe ka" sabi ni Sam.

Napailing ako sa dalawang toh, tsk...

"Sabihin niyo nga, kailan ba kayo naging close? Saka kailan kayo iniwasan nung dalawa?" tanong ko.

Ikinuwento naman nila yung mga nangyari, so??? dahil naging sikat sila kaya umiiwas yung dalawa?

"May no. ba kayo nila Steph at Trish?" tanong ko.

ANGELS DEATH UNIVERSITY (SAPPHIRE & ELEAZAR) #Wattys 2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon