Claudette Minutte & Jericho Yhanndro stories
JERICHO YHANNDRO SAAVEDRA
Kasama ko na dito sa palasyo ang pamilya ni Sapphire. Isang linggo na rin kaming nandito lahat.
Nasa kwarto pa rin niya si Sapphire at mukhang wala ng balak lumabas yung babaeng yun.
Nakita kong palapit sakin si Alex.
"Nasa kwarto pa rin ba niya si Saph?" tanong ni Alex sakin.
"Oo eh" sabi ko.
Napailing ito saka tumabi sakin.
"Ganyan talaga si Saph, umiiyak pa ba siya?" tanong muli nito.
Isang linggo... isang linggo na rin siyang panay iyak. Naaawa na nga ako sa kanya eh.
Napatingin kami sa humahangos na si Ceasar, halatang takot na takot ito.
"Kuya Topz, Kuya Jerich, si Ate Saph nahimatay andun na si Pearl sa kwarto niya a-anong gagawin natin?" tarantang tanong nito.
Agad kaming napatayo ni Alex at napatakbo sa kwarto ni Saph. Nakita naming umiiyak na rin si Pearl, nakita kong umiiyak na rin si Ceasar.
"Tawagin niyo sina Papa!" utos ni Alex.
Lumabas ako ng kwarto para hanapin ang mga magulang nito.
Naaawa man ako sa kanila, wala akong magagawa.Nakasalubong ko ang hari si King Alexander, napayuko ako.
"Anong nangyayari?" tanong nito.
Nagulat ako kasi kaya nito magtagalog?
"I don't have any time to nonsense tell me, what happened?" utos ulit nito.
"Si Sapphire nahimatay siya!" sabi ko.
"Maxwell! Call Dra.Gabriel" utos nito kay Maxwell.
Tumango naman ito, at saka tumalikod na. Nilagpasan na rin ako ni King Alexander.
Napabuntong hininga ako, saka ako bumalik sa kwarto ni Saph. Nauna pa sakin dun si King Alex. Andun na rin ang buong pamilya nito.
Nakikinig lang ako sa kanila, usapang pamilya eh, hindi ko namalayan na may tao na sa likod ko, napapitlag pa ako ng may kumalabit sakin saka ko siya nilingon.
Nanlaki ang mata ko ng makita siya. Ang ganda niya, yung buhok niyang kulay mais at yung mata niyang kulay sky blue, pakiramdam ko para akong nasa animé world. Nakasalamin din siya pero hindi iyon nakabawas ng ganda niya at ang puti niya talaga, matangos din ang ilong nito at ang ganda ng lips nito ang pula pa.
Bigla akong napalunok, shit! Hindi ito ang time para mabighani sa kanya kailangan kong isipin si Saph.
"Are you done checking me?" mataray na tanong nito.
Nakataas na rin ang manipis nitong kilay na tila iginuhit lang.
"Ha?" tila wala sa sariling sabi ko.
"Well, where is King Alexander?" tanong nito.
Hindi pa man ako nakakasagot, may nagsalita na sa likod nito.
"Hey, hey, hey, Minutte... what are you doing here? D'you miss me eh?" nakangising sabi pa ng lalaking storbo samin. -_-
"Miss? You? Dream on Yhandro, you think, I miss your ugly face??? Im not crazy hahaha" sagot nito .
Napangiti na lang ako sa kanya.
"Ms.Gabriel, this way" pormal namang sabi ni Maxwell.
At nilagpasan na kaming dalawa ni Yhandro. Kung ganoon, siya yung Gabriel? Pero mukhang kilala siya nitong kambal ko ah?
BINABASA MO ANG
ANGELS DEATH UNIVERSITY (SAPPHIRE & ELEAZAR) #Wattys 2016
Teen FictionAngels Death University... It's a typical stories... About school life,,, Kung paano makikisama ang isang SIMPLE girl... Sa mga ELITE... FAMOUS... POWERFUL... RICH student... Ng A.D.U At kung paano mababago ang kanyang buhay sa pagkakaroon ng mg...