SPECIAL CHAPTER

189 7 0
                                    

Stephannie & Samuel stories

STEPHANNIE SORIANO

Nagising ako na madilim ang paligid, bigla kong naalala ang mga lalaking kumuha sakin sa harap ng bahay namin, kaninang iwan na ako ng mga kaibigan ko.

"Pakawalan niyo ko dito! mga walanghiya kayo!" narinig kong sigaw ng isang lalaki.

"S-si-no k-ka?" nauutal na tanong ko sa kanya.

Tumahimik naman ang paligid.

"Steph? Stephannie?" tawag niya sakin.

Napakunot yung noo ko. Naramdaman kong may dumikit sakin. Lalayo na sana ako, kaso--

"Ako toh, si Sam ang soon to be husband mo" sabi pa nito.

Napailing na lang ako, pasaway talaga kahit nasa ganito na kaming sitwasyon nakuha niya pang magbiro?

"Steph, ano patay ka na ba dyan?" tanong pa nito.

Tsk...pasalamat ka Sam, nakagapos tayo kung hindi baka ikaw ang napatay ko. ~_~

Letseng lalaki ito.

"Sa palagay mo nasaan tayo?" tanong ko.

"Malay ko, nakapiring kaya ako, nakatali pa ang kamay ko mabuti na nga lang hindi nila tinali yung paa at bibig ko eh" sabi pa nito.

"Tsk... dapat nga yang bibig mo ang itali nila, napaka daldal mong bwiset ka!" sabi ko sa kanya.

Narinig kong bumukas ang pinto, at saka may biglang humila sakin patayo.

"Sino kayo? Sam!" natatakot na sabi ko.

"Steph? Bakit anong problema? teka saan niyo ako dadalhin? Steph!" narinig kong sigaw ni Sam.

Naramdaman kong nag uunahan ng tumulo ang mga luha ko.

Asar, anong silbi ng walong buwang pagsasanay namin, kung sa ganitong sitwasyon namin wala kaming magawa?

"Young lady if I were you, I will be obey for my Master if you want to let go" bulong sakin nung may hawak sakin.

Maya maya tinanggal na nila ang piring sa mata ko. Napapikit ako, dahil nasilaw ako sa sobrang liwanag ng paligid.

"Where is my granddaughter?" tanong ng isang matanda sakin.

Napataas lang ang kilay ko. Aba't di ko nga kilala kung sino ang grand daughter niya tapos hahanapin niya pa sakin.

"Don't want to cooperate with me?" nakangising tanong ng matandang kaharap ko.

Bigla akong napatingin sa big screen na nasa likod lang nito. Nakita ko ang parents ko na parehas nakagapos at umiiyak na si Mama.

"Now, I reapeat my question, where is my Grand daughter?" tanong ulit ng matanda.

"I don't know, beside i don't even know your grand daughter, so why did you do to my family?" tanong ko.

Natawa naman ito.

"You don't know my grand daughter? And yet, she's your friend, how could you say that you don't even know her?" nakangisi pang sabi nito.

Napakunot yung noo ko.

"So? Don't you remember? Ok, i will refresh your mind where is Sapphire Crystal Torres?" seryosong tanong niya pa sakin.

Nagulat ako, kung ganoon? Eto na ang lolo ni Saph? Bah' infairness may itsura tong matandang toh' malamang nung kabataan nito super gwapo nito?

Sabagay hindi na ako magtataka, gwapo din naman Papa ni Saph, pati nga yung kuya at kapatid nitong bunso eh. At ang Mama ni Saph, maganda kaya pala maganda rin si Sapphire at yung kapatid na babae nito.

ANGELS DEATH UNIVERSITY (SAPPHIRE & ELEAZAR) #Wattys 2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon