[a/n: well .. eto ata yung isang medyo matinong storya na nagawa ko? .. pasensiya na .. magulo utak ng author ehh ... XD .. enjoy reading <3]
-Nathan's POV-
Nasa may tapat ako ng bintanang nakasardo, tahimik na pinagmamasdan ang bawat pag patak ng ulan.
"Bakit ba kasi ako pumunta sa boring na party na to" sambit ko sa sarili ko at napa buntong hininga.
Errr .. Nabubwisit na ko. Anung oras ba kasi matatapos to.
Habang tahimik akong nagmumuni muni, biglang may tumalon mula sa itaas papuntang balkonahe sa may bintana kung nasan ako. Nagulat ako, syempre, sino ba naman hindi?
Pinagmasdan ko kung sino yun, isang babae?
May mahaba siyang buhok na kulay puti, at duguan ang ulo niya.
Bigla akong nag aalala dahil may injury siya, pero nang tumitig siya, na weirdohan ako sa kulay ng mata niya. Kulay pula..
Napatitig saken yung babae, mga ilang segundo ay bigla siyang ngumiti at inilapat ang kaliwang kamay niya sa may bintana. Ewan ko pero, ganun din ang ginawa ko, nilapat ko naman ang kanang kamay ko sa may bintana na para bang nais ko siyang mahawakan.
Di ko matukoy kung umiiyak ba yung babae, dahil umuulan ng malakas sa labas. May sinasabe siya na di ko naman naririnig dahil nasa loob ako.
Napakaganda niya, napaka amo ng muka niya.
Bubuksan ko na sana yung bintana nang bigla siyang tumingin sa magkabilang gilid niya na para bang may bumagabag sa kanya. Nanlisik bigla ang mata niya, inalis niya ang kamay niya sa may bintana at bigla nalang umalis.
Bigla kong binuksan yung bintana at hahabulin sana pero hindi ko na siya nakita.
"Naghahalucinate lang ba ko ?" Bulong ko sa sarili ko.
"Young masteeeeerrr !! Mababasa kayo ng ulan!!" sigaw ng maingay kong butler, si Renell.
"Basa na nga ako ng ulan ehh.. " Sarkastiko kong pagkakasabe sa kanya.
"Master naman ehh" napakamot siya ng ulo.
"Hali ka na, umuwi na tayo.." Sabi ko nalang sa kanya.Yes! May idadahilan na ko para umuwi!
-Serene's POV-
Lintik naman oh! .. Kung kelan nahanap ko na siya! .. Istorbo talaga kahit kelan..!!
Bakit ba kasi lagi akong target ng mga bounti hunters na to?? Badtrip .. Madami naman diyan na katulad ko na mas malala pa ginagawa.. Di naman ako pumapatay ng tao? Namannnn ..
Habang tumatakbo ako ng napaka bilis, lumiko ako sa may iskinita, wrong move, palpak! .. Dead end na! Napahinto ako, babalik sana ako palabas nang maharang ako ng humahabol saken.
"Sa tingin mo patatakasin pa kita?" Sabi ni Reynold, yung bounti hunter na humahabol saken.
"Pwede ba?! Tigilan mo na ko!!" Badtrip! Kung kelan naman nasa ganito akong kalagayan.. Saka naman siya susulpot.
"Akala mo ba palalampasin ko ang pagkakatong to? Alam kong nasa di magandang sitwasyon ang katawan mo" sambit niya at ngumisi.
"Eh kung ikaw nalang kaya gawin kong biktima?" Sabe ko sa kanya.Tumawa siya ng nakakaloko.
Sinugod niya ako, napaka bilis niyang kumilos, halatang sanay na sa ganitong trabaho. Lumaban ako syempre, pero malas ko lang talaga! Napaka lampa ko at natisod sa isang bato at napahiga sa sahig.
He grabbed me at my neck, wala na kong magawa.
"Sasama ka sakin sa ayaw mo't sa gusto. Serene Van Renielle , princess of the vampire race."
"Blah blah blah.. Kailangan talaga may introduction saken?" Ngumisi ako para maasar siya.
"Tch.. " Naasar siya! Bwahahah !
BINABASA MO ANG
Serene (Completed)
VampireSi Serene ay isang vampire royalty na nainlove sa isang mortal. Pero, nang dahil sa isang aksidente, ay nagbago ang lahat Her one and only love lost his memory at nagkahiwalay sila. And beacuse of that incident, marami ang nadamay at marami ang nagi...