Chapter 49 [Meeting]

3.3K 55 0
                                    

-Serene's POV-

Alas dose na ng tanghali nang magising ako. Wala narin sa tabi ko si Caithlyn. Mukang mas maaga siyang nagising kesa sakin.

Nag inat lang ako sandali at tumayo na sa kama. Nagbihis na ko since nakapantulog lang ako at lumabas na ng kwarto. 

Dumiretso ako sa kwarto ni Mayi. Pagbukas ko ng pinto, wala si Mayi sa loob.

Baka nasa sala na?

Bumaba na ko at dumiretso sa sala. Ang nakita ko lang dun ay si kuya. 

"Kuya .. Nakita mo si Mayi??" Tanong ko.
"Umalis sila.. Ngayon sila makikipag kita kay Nathan.." Sagot naman ni kuya.

Sila?? .. 

"Kasama si Kryle??"
"Pati si Caithlyn.."
"Ehh?? .. Ang daya naman.. Tapos ako hindi kasama .." Sabay pout ko.
"Kung ikulong kaya kita sa kwarto?" Sabay tingin ng masama ni kuya.
"Sabi ko nga ehh.. Dito lang ako ehh .. " Sabi ko naman.

Hayyy.. Nga nga ako ngayon dito sa bahay ahh..

Pumanik nalang ako ulit sa kwarto ko at naupo sa may bintana. Ang lamig ng hangin, maaraw pero sakto lang yung init. Medyo makulimlim din yung langit.

Napabuntong hinga ako.

Ano na kayang gagawin ko ngayon. Sana maging successful si Mayi sa pagpapaliwanag ng side ko kay Nathan. And hopefully, nasa listening mode si Nathan.

Napahawak ako sa leeg ko, at kinapa yung kwintas ko.

Wait..

Bakit wala akong makapa?? ..

Hala siya!! ..

Agad akong napatakbo sa tukador ko na may salamin. At ngayon ko lang napansin na hindi ko na pala suot yung kwintas ko. Halos mag dadalawang linggo bago ko mapansin na hindi ko na pala suot yung kwintas ko.!

Napaka engot ko!

San ko ba nailagay yun?? .. Ang alam ko ay sinuot ko yun at hindi ko pa naman siya hinuhubad!

Halaa.. Napaka importante pa naman sakin nun!! ..

Naiiyak na ko.

Kaya naman nilibot ko na yung buong kwarto ko para hanapin yung kwintas kong yun.

Pero tucha lang!! .. Walaaaaa.. 

Asan na ba yun?!

Lumabas ako ng kwarto at sinipat yung hallway. Nagbabaka sakali na nahulog lang sa gilid gilid yung kwintas ko. 

Si kuya naman palakad sa direksyon kung asan ako.

"Anong ginagawa mo?"
"Yung kwintas ko nawawala.."
"Wala ka naman talagang suot na kwintas eh?"

At napatingin ako sa kanya.

"Nung .. Inuwi ba namin dito si Mayi wala kang napansin na suot ko??"
"Wala.. Even after we saved you.. Wala ka na talagang suot na kwintas.." Kuya said.

Nako naman!! .. Patay tayo diyan!! .. Baka nasa head quarters ng mga bounty hunters nalaglag yun.. O di naman kaya dun sa abandonadong parte ng siyudad.. Nakakainis naman.

Napakamot nalang ako ng ulo sa inis.

"Wahh.. Kuya.. Nawawala kwintas ko.. Nakakainis!!" Pagtatantrums ko.
"Oh eh anong gagawin?? .. Alangang hanapin?" Pagrereklamo naman ni kuya.

Wala na kong magawa.. Kasi kung hahanapin ko pa yun, for sure may nakapulot na nun. So imposible nang mahanap ko pa.

Nakaka-inis. Ang tanga ko.

Serene (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon