chapter 37 [Kidnapped!]

3.3K 62 4
                                    

-Serene's POV-

I am walking aimlessly in the middle of the city. Without even thinking on where to go.

Umiiyak parin ako hanggang ngayon. Wala na kong pakialam kung may makakita pa sakin. Hindi ko na magawang punasan yung mga luha ko. Hindi rin naman sila titigil sa pagbagsak kahit pigilan ko pa.

Kung pwede lang sanang mag laho na parang bula.

Kung pwede lang sanang magka amnesia bigla.

Kung pwede lang sanang mawala nalang bigla tong nararamdaman ko.

Bakit ganun?

Ang saya saya ko nang makita ko na si Nathan. Ang tagal ko siyang hinanap. Pero nang makita naman niya ako, pinilit kong umiwas. Dahil akala ko mas okay na hindi muna niya malaman ang nakaraan niya.

Nagkamali ako sa desisyon ko na yun. Kaya naman pinag sisisihan ko kasi hindi ko nagawang mag tapat kaagad sa kanya.

Ngayon na iiwan na niya ko parang hindi ko naman matanggap.

Eto ba yung karma ko sa lahat ng pag papanggap ko? Sa lahat ng kalokohan ko?

I deceive him. Not only him but also my friends. Even my parents didn't know that I'm doing reckless things.

Hindi ko na alam. My life is a total mess.

I can't be with my only love. I killed him and ressurected him. Made his life a living hell. I invade the bounty hunter's head quarters and now they're after me and for sure, I'll be punish because of it. My parents knew I did something like that and I'm preparing myself for the consequences. I involve Mayi in my messed up life and my older brother is at his limits for tolerating my sins. What more? Even Caithlyn was involve and got hurt because of me. The vampire community is disrespecting me for the things that I have done.

I'm a failure..

Failure as a daughter, as a sister, as a friend, as a lover, and as a princess.

Siguro nga karma ko na nga to.

Sa sobrang kakaisip ko, nasa may abandoned part na pala ako ng city. Hinubad ko na yung wig na suot ko. Pati narin yung salamin at contact lense. I just threw it somewhere dahil hindi ko naman na kailangan mag disguise.

Nathan is going to leave. Ano pang rason para pumasok kung wala naman na siya dun diba?

Nag umpisa nang umulan.

Pero wala na kong pakialam kung mabasa man ako.

Hinayaan ko nalang ang mga paa ko na dalhin ako sa kung saan man.

-Mayi's POV-

Nandito na ko ngayon sa First District para hanapin si Serene.

May naka kita kasi sa kanya na lumabas ng campus kaya naman mukang mahihirapan na kong hanapin siya.

Ang dami pa namang tao. Asan na kaya siya?

Nag umpisa nang umulan. Wala pa naman akong dalang payong. But I didn't care. Wala na kong pakialam kung mabasa man ako ng ulan ang importante ay mahanap ko si Serene.

I know na sobrang nasasaktan na siya ngayon. At baka kung ano pa yung gawin niya.

Lalo tuloy akong nag alala.

Lumalakas yung ulan. At mukang lumalabo narin yung mga daan nang dahil dito.

"Asan ka na ba Serene?"

Sa kung saan man ako patakbo ngayon? Hindi ko rin alam. Pero kung saan man ako dalin ng instincts ko ay sinusunod ko nalang.

Bawat sulok, kanto, iskinita ay tinitingnan ko.

Serene (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon