Chapter 45[Second Night of Dilemma]

4.2K 68 1
                                    

Author's mensahe: 

Happy 13 K reads guys .. :) ..salamat sa mga nagbabasa, nagcocomment at nagvo-vote ! ^_^ 

ayan .. malapit ko na po siyang tapusin .. dapat ang target chapter ko lang ay 50 pero mukang lalagpas pa .. :D .. hehe .. 

Enjoy Reading ! <3

----------------###########################-__________

-Serene's POV-

Hindi ko namalayan na umaga na pala. Nagising kasi ako sa liwanag ng araw na tumatama sa mga mata ko.

Nang bumangon ako, agad kong nakita yung libro sa ibabaw ng mesa sa tabi ko. Agad ko yun kinuha at pinagmasdan.

'Human to Vampire' ayan yung title.

Napaka luma na ng libro pero buo parin yung mga pages. It was printed 100 years ago.

Bubuksan ko na sana para basahin kaso, biglang may kumatok sa pintuan ko.

"Sige .. Bukas yan" sabi ko naman.

Pumasok si Caithlyn at mukang pagod at puyat siya.

"Caithlyn? What happened to you?" I asked at pinaupo siya sa tabi ko.
"Grabe ate.. Hindi pa ko natutulog.. kadarating lang namin nila Kryle" sabi niya at sabay sandal ng ulo niya sa balikat ko.
"Ha? .. Ngayon lang kayo nakauwi?.. Bakit naman?" Pag-aalala kong tanong.
"Si ate Mayi kasi.. Talagang nahirapan siya sa hunting niya kagabi. Tapos naka ilang victims din siya bago mag subside yung instincts niya.. Kaya ngayon lang kami nakauwi" kwento ni Caithlyn.

Kawawa naman si Mayi. Buong gabi din siyang nahirapan nang dahil sa instincts niya.

"Asan na sila Mayi?" I asked.
"Si ate Mayi, pumasok na ng kwarto niya. Si Kryle naman nasa sala kinakausap si kuya." Sabi niya.
"Ganun ba .. Oh sige .. Mahiga ka muna dito sa kama ko at matulog ka muna.. "
"Hindi na ate, I want to sleep in my own bed" sabi naman ni Caithlyn sakin at tumayo na.

Iniwan ko muna yung libro sa may table ko at lumabas na kami ni Caithlyn sa kwarto ko. Agad na dumiretso naman si Caithlyn sa kwarto niya at ako naman ay bumaba na at dumiretso na ko sa sala.

Agad kong nakita si kuya at si Kryle na nag uusap. Si Kryle ay mukang pagod at stress na. Two nights na siyang walang tulog.

Nakasandal na si Kryle sa sopa at malapit na talagang sumara yung mata niya ng dahil sa antok.

"Okay ka pa ba Kryle?" Tanong ko agad at tumabi sa kanya.
"Medyo." Sabi niya sakin.
"Mabuti pa ay matulog ka na muna Kryle" sabi naman ni kuya.
"Pano si Mayi?" Tanong niya.
"Ako na bahala.." Sabi ko naman.

Tumingin siya sakin sabay umalis sa pagkakasandal niya at naupo ng maayos.

"Ayaw ka niyang makita." Sabi niya.
"Oh? .. Bakit naman?" Tanong ko.
"Ayaw niyang makita mo siyang nagkakaganon.."

Nag cross arms ako sabay tayo.

"Well.. Kilala mo ko Kryle. Hindi niyo ko mapipigilan sa gusto kong gawin.." Sabi ko sa kanya.

Napabuntong hininga si Kryle at napakamot ng ulo.

"Bahala ka.. " Sabi niya.
"Matulog ka na .. Ako na bahala .. Sige na.. " Sabi ko naman sa kanya.

Tumayo na siya at umalis na ng sala. Leaving kuya and me. 

"Nabasa mo na ba yung libro?" Tanong naman ni kuya.

Napatingin ako sa kanya.

"Hindi pa .. Mamaya na siguro.." Sabi ko naman.

Tumayo na si kuya at akmang lalabas na ng sala.

Serene (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon