chapter 13 [My Donor and Nathan]

5.2K 79 0
                                    

Maaga akong nagising.

Chineck ko si kuya kung okay lang siya.

Tulog parin. Mukang okay na naman siya.

Maaga narin akong kumilos.

Si Mayi parang bangag. Pupungay pungay pa yung muka nang magising.

Oo, yung muka niya yung mapungay, hindi yung mata. Imaginin niyo nalang kung ano itsura niya. XD

After namin kumilos eh pumasok na kami sa school.

Habang naglalakad kami sa may quadrangle, hindi ako mapakali. Parang ayoko nang pumasok na ewan?

Mahaharap ko ba si Nathan? .. Baka kasi, nalaman niyang.. Bampira ako? Naman!! .. Badtrip!!

Napansin ako ni Mayi.. Sabay..

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Tapik sakin ng marahan .. Ayan .. May halong pagmamahal naman..

"Huy.. Okay ka lang?"
"Medyo??"
"Hmm.. Iniisip mo ba si Nathan?"

Nag nod lang ako.

"Don't worry.. Ako bahala sayo.. Kalma lang..! .. Bago paman siya magtanong.. Pipigilan ko na kaagad siya.. " Energetic na pagkakasabi ni Mayi.

As expexted, maasahan talaga siya..

Pagpasok namin ng classroom. Andun si Nathan.

Langya! .. Pwede makipag swap ng upuan??

He is looking at me with suspicion in his eyes.

Waaaahhhh!! .. Ayoko ng ganyang mga titig! .. Lalo akong kinakabahan ehh!!

Para hindi halata, casual nalang akong umupo sa upuan ko. Habang siya naman naka titig sakin.

As in supeerrr titig.. Parang he doesn't want to take off his eyes sakin?

Tumitig ako pabalik sa kanya. At nag pout.

"Oh? Makatitig wagas?"
"Bakit ka hindi pumasok kahapon?"
"Kelan pa kita naging tatay?"
"Bakit ka nagpunta sa night club? .. Anong meron dun?" Pag iinterrogate niya ulit.
"Namamalikmata ka lang.." At tinuon ko yung attention ko sa harap.

Bigla nalang, hinila ako ni Nathan.

"Aray! .. Nathan ..! . Nasasaktan ako..!"

Hindi siya kumikibo.

Alam na niya.

Lolokohin ko pa ba sarili ko?

Hindi naman siya magrereact ng ganito kung wala siyang nakita diba?

"Hoy! .. Nathan! .. Bitawan mo si Serene!" At hinila naman ako ni Mayi.

Ang higpit ng hawak sakin ni Nathan.

Hindi ko na alam gagawin ko.

Yung mga classmate namin nakatingin na samin. Para naman kaming gumagawa ng pelikula.

Serene (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon