-Mayi's POV-
Naramdaman ko yung sinag ng araw na tumatama sa mga mata ko.
Kaya naman Dinilat ko yung mga mata ko. Umaga na pala.Grabe , ang bigat ng pakiramdam ko.. Ang sakit sakit ng leeg ko.
Pag tingin ko sa may gilid ko, nakita ko si Serene. Nakayukod at natutulog. I just pat her head.
Malamang na guiguilti to sa ginawa niya.
Biglang nagising si Serene. At tumingin sakin
"Mayi!.. " Sabay yakap sakin.
"Serene.. Ang bigat mo.." Pagrereklamo ko. "Sorry.. Sorry .. Sorry..
" Paulit ulit niyang sabi. "Gaga .. Okay lang ..
" At ginulo ko yung buhok niya. "Okay ka na ba?" Pag aalala niyang tanong.
"Medyo mabigat parin yung katawan ko.."
"Sige .. Magluluto muna ako para .. Makakain ka na .. "At lumabas si Serene ng kwarto.
Ako naman napatingin sa may bintana.
Hindi kami nakapasok ngayon. Makakapasok pa kaya kami?
Well, nangako naman si Serene na siya ang bahala. Pati narin ang kuya ni Serene, nagbigay pa ng kundisyon para lang makapag-aral ulit ako. Pero, hindi ko naman to ginawa para lang sa kundisyon ni Chris, ginawa ko to para kay Serene. Dahil kahit walang kundisyon, I am willing to donate my blood to her.
Because, I consider Serene as my sister. Simula ng tumira siya dito sa bahay, yung lungkot na araw araw kong nararanasan, biglang nawala.
Parang laging ang bright kapag kasama ko siya.
Simula kasi ng mamatay ang parents ko, mag isa ko nalang binubuhay ang sarili ko. Ang swerte ko nga ng maging scholar ako sa isang prestigious school. Kaso.. Lagi nalang akong binubully ng mga witches sa school.
But I prefer not to mind them. Dahil ayoko rin namang mawala scholarship ko.
Pero nang dumating si Serene, grabe parang ayoko siyang mabully kagaya nang ginagawa sakin ng mga witches. Pero, Serene can stand up for herself.
Siya pa nga tong nagtanggol sakin nung minsan.
Pero, may isang tanong parin na di mawala sa isip ko.
Will Serene leave me?
-Serene's POV-
Kasalukuyang nagluluto ako ng sopas para kay Mayi.
Si kuya naman, umalis kagabi. At hindi pa bumabalik hanggang ngayon.
Hindi ko na kasi siya natanong kung san siya pupunta dahil pre-occupied yung utak ko kakaisip kay Mayi.
Well, wala naman na sigurong nangyaring masama dun?
Maya maya pa, habang nakaupo ako sa may kusina. Biglang may pumasok sa loob ng bahay.
Nang pagtingin ko kung sino yun. Nabigla ako. Sila Kryle and Caithlyn pala.
"Kryle! .. Caithlyn!!" Niyakap ko silang dalawa.
"I miss you ate" sabi ni Caithlyn.Si Kryle tahimik lang.
"Kagabi pa sila umalis sa europe, kadarating lang nila.." Sabi naman ni kuya.
"Kung gayon .. Kagabi palang, kinontak mo na sila?" Sabi ko naman.
"Oo.. Habang busy ka sa ginagawa mo.. I decided to contact them.." Pang aasar ni kuya.
"Sipain kita diyan ehh.." Nag pout ako..Maya maya pa ay umapaw na yung niluluto kong sopas..
"Waaahh!! .. Yung niluluto ko!!"
Sabay takbo at patay sa kalan.

BINABASA MO ANG
Serene (Completed)
VampireSi Serene ay isang vampire royalty na nainlove sa isang mortal. Pero, nang dahil sa isang aksidente, ay nagbago ang lahat Her one and only love lost his memory at nagkahiwalay sila. And beacuse of that incident, marami ang nadamay at marami ang nagi...