chapter 12 [The Truth]

4.7K 78 2
                                    

-Serene's POV-

Ang liwanag.. nararamdaman kong may tumatamang liwanag sa mga mata ko.

Unti unti kong idinilat ang mga mata ko.

Yung buong night club, wasak na.

Ang tanging natira nalang? .. Itong sopang hinihigaan ko.

Masakit yung part ng leeg ko. Nang hawakan ko ay may kaunting blood dito. Hindi ko nalang inintindi..

At si kuya? .. Nasa tabi ko. Nakatalikod siya sakin at nakasandal sa may sopa. Naka yukod siya. Hawak niya yung cellphone niya

Tumayo ako at tinapik siya ng marahan.

"Kuya.. Iuuwi na kita.."
"Hindi na tayo pwedeng umuwi sa bahay.."
"Pero- bakit?" "Sila Caithlyn, pinauwi ko muna sila sa europe.. Kaya wala na sila sa bahay.. Yung bahay natin.. Winasak na ng mga traydor.. "
"Pano na yan kuya.. " Malungkot kong sambit.

Nagkaroon ng saglit na katahimikan.

"I need to have my slumber.. For three days.. and when I woke up.. I'll go get the twins.. I don't want us to.. Get separated from each other.."
"O sige kuya.. Dun muna tayo kila Mayi.. Ako nang bahalang magtago sayo.."

Hindi na umimik si kuya.

"Tara na.. " At inalalayan ko nang tumayo si kuya.

Dumating kami sa may bahay ni Mayi. Akala ko nasa school siya pero. Nang buksan ko yung pinto.

Nakita ko siya. Umiiyak.

Bigla niya akong niyakap.

"Sira ulo ka!! .. San ka nagpunta?! .. Kala ko nakidnap ka na!! ,. Hindi ka umuwi!! .."
"Ano .. Kasi.." Malungkot kong sabi.

At sa wakas .. Napansin na niya si kuya na inaalalayan ko.

"A-anong nangyari?!"
"Hindi- hindi ko pwedeng sabihin Mayi.." Naiyak na ko.

Pinat nalang ni Mayi yung ulo ko at tinulungang alalayan si kuya.

Dinala namin si kuya sa kwarto ko at pinahiga.

"Sige na kuya.. Matulog ka na .." At kinumutan ko si kuya at umupo sa tabi niya.

Tinabihan ako ni Mayi at dinamayan.

--

Maya maya pa ay bumaba kami sa may sala. At naupo.

"Mukang di maganda kalagayan ng kuya mo.. Bakit di natin siya dalin sa hospital.."
"Ayaw niya.. Gusto lang daw niya matulog.."

Napayukod nalang ako.

"Wag ka ng malungkot Serene.. -"
"Salamat Mayi.."
"Saan naman?"
"Sa lahat .. Kahit na .. Wala kang masiyadong alam tungkol sakin.."
"Ayos lang yun .. May dahilan naman kung bakit may mga bagay ka na hindi pwedeng ikwento sakin.. Naiintindihan ko yun.."

At hinawakan ni Mayi yung kamay ko.

Naiiyak na naman ako.

"Oh .. Wag nang umiyak .. Pumapanget ohh.."
"Pasensiya naman .. Nalulungkot lang.."
"Hayy.. Tanggalin mo na nga muna yang disguise mo at magpalit ng damit.."
"Oo na po nanay.."

Pagpasok ko sa banyo, ay tumingin muna ako sa may salamin. Tinanggal ko yung wig ko, then yung contact lens. Inipitan ko yung buhok ko then I noticed something. Yung leeg ko may bite marks?

Hindi kaya.. Ginawa ni kuya to.. To regain his strength?

Para lang labanan yung mga dumating kagabi?

Serene (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon