-Nathan's POV-
"You are a vampire" said Mr. Vallente.
I was shocked.
So what's in my mind was true huh.
Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari. All my life I believed that I was a normal human. Hindi paa. Isa pala akong bampira.
But why hide the fact that I'm a vampire?!
Ang stupid ko. Ako sa sarili ko hindi ako aware sa totoo kong pagkatao.
I clenched my fist, gusto kong manuntok.
Mr. Vallente went inside in his daughter's room. Ako naman, tumayo sa kinauupuan ko. At sumandal nalang sa pader.
Alam kaya nila Janiz to? Ng mga taga association?
Eto ba yung gustong ireveal sakin ni Serene?
Ang gago ko. Sana inalam ko nalang kung sino talaga ako. Para maiwasan ang pangyayaring to.
Pero, kung inalam ko naman kung sino ako, mapapahamak si Serene. Any information that I know might be used against her. I can't let that happen. Especially when that blind vampire is lurking around.
Gahh!! Naguguluhan na ako!!
I guess I can only ask Mr. Vallente on what he knows about me.
-Serene's POV-
Andito ako ngayon sa loob ng kwarto ko. Nakaupo sa sahig at nakasandal sa kama. simula nang makarating kami sa bahay, maghapon lang akong nakakulong dito.
Hindi ako makatulog. Hindi ko parin makalimutan yung nangyari kanina.
Paulit ulit na nagrereplay sa utak ko!
Nakakainis! Unlimited?!
Ang powerless ko, ni hindi ko manlang makuha si Nathan sa kanila.
Nahihirapan na ko. Hindi ko na kaya tong nararamdaman ko.
Eto na naman ako, umiiyak. Halos maga na nga yung mga mata ko kakaiyak ehh. Nakakainis!!
Kinuha ko yung music box na binigay sakin ni Nathan. Pinagmasdan ko lang. Hanggang ngayon kasi hindi ko siya mapatugtog. Hindi ko kasi kaya. Parang hindi ko deserve yung music na ginawa niya para sakin.
Ano nang gagawin ko? .
May paraan pa ba para makuha ko si Nathan?
Tumulo ulit ang mga luha sa mga mata ko.
Ang sakit sakit na.
Maya maya pa ay may pumasok sa pintuan ng kwarto ko. Si kuya pala.
Umupo siya sa kama sa may tabi ko. He pats my head.
"Umiiyak ka na naman" sabi niya.
Hindi ako kumikibo.
"Itigil mo na yan .. Namamaga na mata mo. Wala rin naman magagawa yang pag iyak mo." Dagdag niya.
"Ayun na nga ehh. Wala na nga akong magawa kaya eto nalang ang alam kong gawin ehh." Sabi ko sa kanya.
"Gusto mo bang ako na gumawa ng paraan para matigil ka lang?" Biglang seryosong sabi ni kuya.
Napatingin ako sa kanya.
"Sira! .. Wag na .. Mamaya niyan mapahamak ka pa .. Ako na ang bahala.. Kahit hindi ko na alam ang gagawin ko.."
"Wala ka parin kwenta magdahilan." Sarkastiko niyang pagkakasabi.
Umupo si kuya sa sahig at tinabihan ako. He then leans my head on his shoulder. Kahit papano kapag katabi ko si kuya gumagaan ang pakiramdam ko.

BINABASA MO ANG
Serene (Completed)
VampireSi Serene ay isang vampire royalty na nainlove sa isang mortal. Pero, nang dahil sa isang aksidente, ay nagbago ang lahat Her one and only love lost his memory at nagkahiwalay sila. And beacuse of that incident, marami ang nadamay at marami ang nagi...