chapter 29 [invitation]

4K 56 2
                                    

-Serene’s POV-

Nag ring na yung alarm ko. Grabe, umaga na pala.

Naligo na ko saka nagbihis ng uniform. Pagkatapos ay bumaba narin ako saka dumiretso sa kusina para kumain since maaga pa naman.

Nadatnan ko na doon sila kuya, Kryle and Caithlyn. Kumakain silang tatlo. At medyo ramdam ko na awkward yung atmosphere. Ano kayang nangyari?

Dahil ba to sa nangyari sakin kagabi? Pero bakit ang seryoso naman ata nila? Usually they cheer me up?

Or may ibang nangyari kagabi?

Pumasok naman si Mayi sa kusina.

Grabe, bakit ang tahimik nila?

Naupo ako sa tabi ni Kryle at si Mayi naman naupo sa tabi ni Caithlyn. Si kuya mukang seryoso yung muka niya.

I have to break the silence! Grabe kasi! Nabibingi ako sa katahimikan.

“anong meron? Mukang semana santa yang mga itsura niyo? May iba pa bang nangyari kagabi bukod sa nangyari sakin?”

Mukang na-bother si Kryle and Caithlyn. Pati narin si Mayi. Ang obvious netong mga to.

“siguro naman pwede na kayong magpaliwanag dalawa?” biglang sabi ni kuya.
“ako may kasalanan kuya! Ako pumilit kay Kryle” biglang sabi ni Caithlyn.
“hindi kuya! .. ako may kasalanan. Hindi ko pa kasi pina-alis nun si Caithlyn” sabi naman ni Kryle.

Teka.. ano bang pinag-uusapan nitong mga to?

“teka ha ? na-oop ako ehh ?.. ano ba kasi talaga yang pinag uusapan niyo?” sabat ko.

Walang nagsasalita sa kanila.

Napatingin ako kay Mayi.

“oh? Bakit ka sakin nakatingin?” tanong ni Mayi.
“may alam ka. Ano nangyari?”
“ano .. ” napatingin siya kay kuya.

Si kuya naman nag senyas na sabihin na.

“kagabi nakita ko lang si Chris na buhat buhat si Caithlyn. Tingin ko wala siyang malay nun. Iba kasi yung natutulog lang sa walang malay. Tapos galing sila sa kwarto ni Kryle. Sa mga nangyari sa loob wala akong alam” paliwanag ni Mayi.

OH MY G.. hala! .. okay,,. Gets ko na nangyari.

“ay! Ang tanga ko! Oo nga pala .. ako pala may kasalanan.. sorry Caithlyn ha? Dapat pala hindi na kita pinasunod kay Kryle. Ako nalang pala dapat ang pumunta sa kwarto niya.”
“hindi ate. Okay lang. mas mabuti narin na ako yung sumunod sa kanya.” Sabi ni Caithlyn.
“hay .. nanliliit ako sa mga nangyayari” biglang sabi ni Kryle sabay yukod sa lamesa.

I just pat his head nalang para hindi na siya ma-guilty.

“okay lang yan Kryle .. kasama yan sa paglaki.” Sabi ko nalang.

Natapos na din yung diskusyunan naming sa nangyari. After naming kumain, ay umalis na kami ng bahay para pumasok na.

As usual, matagal ang byahe. Siyempre, magkakasama kaming lahat sa kotse ni kuya. Si kuya lang naman kasi yung may kotse samin nu.

After ng ilang oras na byahe, nakarating narin kami sa wakas sa school. At siyempre, yung mga fan girls ni kuya nagsilapitan ng lumabas ng kotse si kuya. Dagdagan mo pa ng fan girls ni Kryle. Kasi lumabas na din siya ng kotse.

“mamaya na kaya tayo lumabas?” sabi ni Mayi.
“oo nga eh. Mamaya  niyan ang aga aga irap ng mga fans nila ang bumungad satin”
“oo nga ehh .. bakit ba kasi mala F4 yung datingan ng mga kapatid mo?”
“hindi ko nga alam ehh .. ako nga walang fans maganda naman ako .. ” pagbibiro ko
“anyare?? ” pang aasar ni Mayi.
“very supportive ka talaga friend” sarcastic kong sabi.
“naku ate. Mas maganda pa kayo kesa sa kanila. Lalo ka na ate Serene, naka disguise ka lang kasi ngayon kaya hindi kita yung tunay na ikaw” biglang sabi ni Caithlyn.
“aww .. talaga? Ang sweet mo talaga Caithlyn!” sabay yakap naming ni Mayi sa kanya.
“oh siya ate, labas na tayo. Wag nalang natin silang pansinin.” Sabi nalang ni Caithlyn at lumabas na kami.

Serene (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon