chapter 8 [A Day With Him]

5.3K 79 0
                                    

Kinabukasan, nagpaalam si Mayi sakin.

May part time job daw siya as tutor.

Grabe, daming part time job. Di ba siya napapagod?

Kaya eto ako ngayon, mag isa sa bahay. Halos maburo na ko sa sobrang pagka bored.

Nag decide na muna akong lumabas at maglakad lakad. Hindi narin muna ako nagdisguise at inipitan ko nalang ang buhok ko at nagsumbrero.

Grabe, medyo lumalamig ata?

Nagpunta ako sa may park.

May nakita akong manong na nagtitinda ng ice cream.
Yay! .. Siyempre bumili ako kahit nilalamig ako. at naupo sa may bench sa may gilid.

Napatingin ako sa may gilid.

Malapit lang pala tong park sa may hospital? ..

"Hayyy .. Ang init.." Narinig ko yung isang pamliyar na boses.

Teka? .. Mainit? .. Nilalamig nga ako eh tapos siya naiinitan?

Nacurious ako kung sino yung nagsalita kaya napatingin ako sa kanya.

Sheda pashneya naman talaga! ..

Si Nathan!! ., at nakatingin din siya sakin.

"Ikaw! .. " Sambit niya.

Tatakbo na sana ako kaso nahablot niya ko.

Naman naman naman!! .. Waaaaaahhhhh !! Q_Q

"Sa pagkakataong to, hindi na kita patatakasin pa."

Patay ako! .. Ampp!! ..

"Ah- eh .. Sino ka ba?"
"wag ka ngang magpanggap na di mo ko kilala"
"Baket? .. Kilala mo ba ko?"
"kaya nga gusto kong malaman kung sino ka.. Dahil mukang kilala mo ko."

-Nathan's POV-
"Hindi kita kilala" ang sabi naman nung babaing hawak hawak ko ngayon.

May kaboses siya eh? .. Si Serene? Impossible naman.

"Hindi ako pwedeng magkamali, ikaw yung babaeng nakita ko sa may balconahe. "
"Nagkakamali ka lang.."
"Eh bakit sa twing nakikita mo ko tumatakbo ka."
"Muka ka kasing rapist.."

Rapist? .. Wow huh .. Mapang asar din tong babaeng to eh ..

"Ako ? .. Mukang rapist? .. Baka babae pa mang rape sakin?"
"Wow.. Ang lamig na nga lalo mo pang pinapalakas yung hangin.."

Para talaga tong si Serene?

"Ano bang pangalan mo?"
"Serene-" mukang natigilan siya.

Magkapangalan pa sila .. Nagkataon lang kaya?

"Serene.. Hmmm" at hinimas himas ko yung baba ko.
"Oh? .. Bakit ganyan ka makareact?"
"Wala naman.. May naaalala lang ako sayo.."
"Pwede bang bitawan mo na ako?"
"Ayoko nga, tatakbuhan mo na naman ako."
"Ano ba kasing kailangan mo?"
"Ikaw.."
"Ha? .. Ano? .. Pakiulit.."
"Kilala mo ko diba? .. "
"Hindi nga ang kulit."
"Kung gayon, alam mo kung anong nangyari sa nakaraan ko?.."

Mukang natigilan siya, may alam siya kung gayon.

Alam niya yung nakaraang hindi ko matandaan.

Kung bakit hindi ako normal at kung ano ba talaga ako?..

"Pasensiya na pero.. -"

Hinila niya ng malakas yung kamay niya. Kakaiba yung lakas niya kasi mabilis lang niya nakuha yung kamay niya.

At tumakbo na siya. Siyempre hinabol ko siya. May alam siya, at gusto kong malaman kung ano ba ang nalalaman niya.

Medyo hindi narin maganda yung nararamdaman ko. Pupunta sana ako sa may hospital kanina para magpa blood transfusion. Pero, hindi ko naman pwede palampasin tong pagkakataon na to.

Serene (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon