chapter 31.1 [The Engagement Party]

3.4K 54 3
                                    

-Serene's POV-

Nasa sasakyan kami ngayon. Papunta na sa venue ng engagement party ni Nathan. Ala sais ng gabi na kami naka alis ng bahay. Malamang mga alas otso na kami makarating doon.

Pwedeng umatras? Ewan ko, hindi ako mapakali sa kotse. Si kuya nga parang naiirita na dahil medyo malikot ako.

Kinakabahan ako. Baka may mga makita akong hindi ko kayanin

“ano ba? Hindi makale? Gusto mo na bang makarating kaagad sa venue?” asar na sabi ni kuya.
“well actuaccy, vice versa” sagot ko.

Nagpatuloy parin ako sa paglilikot ko sa kotse. Lean dito, lean dun. Pinaglalaruan ko yung bintana, bukas sara.

Napaka random ko ngayon.

Maya maya pa ay binilisan ni kuya yung takbo ng kotse. Nag ala race car yung takbo namin. Napikon ata sa mga pinag gagagawa ko?

“hoy grabe! Ang bilis! Nalulula ako !” sigaw ni Mayi.
“hoy! Bagalan mo ! bagalan mo! Baka mauna pa tayo sa i-eengage! Adik ka!” sigaw ko.
“ayaw mo nun. Maaga mong makikita si Nathan?” pang aasar I kuya.
“kuya naman eh!!” sigaw ko
“kuya… bilisan mo pa ang bagal eh.” Pang aasar naman ni Kryle
“ang sama ni Kryle” sabi naman ni Caithlyn.
“sige kayo, mag eemo emohan ako dito!” angal ko naman.
“nako. Maaga pa para diyan. Mamaya na kapag nandun na tayo” pang aasar pa lalo ni kuya.

Natawa pa si Mayi kahit halatang kapit na kapit siya sa upuan nang dahil sa naluluha siya.

Ang sama nitong mga to.

As expected, napaaga kami  ng 30 minutes sa venue. Pero marami nang tao kaya okay lang.

Halos karamihan ay mga schoolmates lang din namin. As usual, yung mga fan girls ni kuya at Kryle nandun din.

Parang nasa school lang din kami.

May mga unfamiliar faces sa paligid. Naka suit na itim. Mga bounty hunters malamang. At may mga naka corporate attires, marahil ay kasosyo ni Mr. Vallente sa negosyo.

Siyempre, nagstart na kong manahimik. Wala na ko sa mood.

“huy friend ano? Emo mode ka na ba?”

Abnormal talaga tong si Mayi.

“oo emo mode na ko” sabi ko naman.

Maya maya pa ay may nag greet kay kuya na isang matandang maka formal attire.

“ah, Mr. Van Renielle. It’s unexpected to see you here”
“well, the director of the school invited me here. So it’s natural that I came. ” sabi naman ni kuya.

Huwaw. Maka asta si kuya parang business man. Hindi naman bagay

Hehehe

“well, does the issue between the Van Renielle and the Vallente settled?” sabi nung matanda

Nag smirk lang si kuya.

“not really” sabay pamulsa at walkout

Ang chismoso naman kasi ni manong. Medyo naasar yung matanda at umalis narin.

“suplado effect din kuya mo no?” bulong ni Mayi.
“oo nga ehh. Hindi naman bagay” sabi ko naman.

Biglang lapit samin ni Kryle. As in super lapit.

“oh? Bakit??” tanong ni Mayi.
“tssh, naiirita ako” sabi naman ni Kryle

Nagtingin tingin kami sa paligid. Yung mga fan girls pala niya iniirita siya. Natawa kami ni Mayi.

Serene (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon